010

833 62 52
                                    

NAKATINGIN lang ako sa boss ko habang inaayusan siya ng mga make up artists.

Ang gwapo niya talaga. Halos hindi ako nagbiblink at talagang titig na titig ako sa kanya. Parang pigil pigil din ang hininga ko at maya't maya ay napapabuntong-hininga na lang ako. Letse, ang gwapo niya talaga.

Isabay pa sa moment ang malapit nang paglubog ng araw sa kanluran. Romantic. Ang galing naman ng producer dahil ito pa ang naisip na setting sa photoshoot na ito. Bumabagay talaga sa kagwapuhan ng boss ko. Hay...



"Gwapong gwapo ka sa boypren mo ah? Inlab ka talaga eh, no?"

Mabilis na nagturn ang ulo ko sa pinanggalingan ng boses. My mouth parted when I saw her.
"Alex!"

"Hey, insan, kamusta?," parang wala lang na tanong niya.

Mabilis ko siyang hinila at niyakap. I kissed her forehead and smiled. "Beb, bakit ngayon ka lang nagpakita?!," tanong ko sa kanya.

Naramdaman kong itinulak niya ako kaya humiwalay ako sa kanya. Pumameywang siya at saka itinaas ang tatlong daliri niya. "Ang OA mo, oppa. Ang alam ko, tatlong buwan lang tayong di nagkita. Hindi isang taon," nakasimangot niyang sabi.

Mas napangiti ako. Hinablot ko ang kamay niya at hinila siya palayo sa set.

"Bakit ka nandito?," tanong ko sa kanya.

She gawked at me. "PA ako ni Director Park. Di ba halata?"

Napangiwi ako. Oo nga pala.

"Teka—may naalala ako," she paused to stare at me intently. Then, she pointed me. "Bakit di mo sinabing boyfriend mo na ang boss mo?!"


Napapikit ako ng tumalsik sa mukha ko ang mga laway niya. I mentally cursed at the sudden saliva shower. Letse. Kadiri naman ng babaeng to.

Pero patience. Kahit na nakakahighblood talaga ang babaeng ito minsan.


Ngumiwi ako. "Basta," sagot ko sa kanya.

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko dahil nakatanggap pa ako ng isang mura at suntok sa abs. Napaatras ako at mas laling napangiwi. Sadista pa pala siya. Manyak pa!

"Anong basta?! Hoy! Di ako naniniwalang kayo na! Walang puso ang lalaking yon dahil hindi siya marunong makaramdam!"


Di na sana ako aangal at nagkokomento eh, kaso medyo di ako nag-agree sa huling sinabi niya. Pumameywang ako at itinuro ang mukha niya tulad nang ginagawa niya tuwing pinapagalitan niya ako.


"May puso si Jeon Wonu! Dahil gumagapang na sana ako ngayon sa Payatas, Philippines kung wala siyang pakiramdam," pagtatanggol ko sa boss ko.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Huwag kang OA, Kim Mingyu! Hindi mangyayari yang gagapang ka sa Pinas dahil kung bumalik ka lang sa bahay niyo maganda pa sana ang buhay mo!"

Doon ako natigilan. Pero agad kong iwinaksi sa isip ko ang katotohanang binanggit niya. Itinaas ko ang noo ko at saka sumagot.
"Kung bumalik ako sa impiyernong yun, hindi ko magiging..." boss at boyfriend si boss.

Maging siya ay natigilan. Pumiyok kasi ako. Napatayo siya nang tuwid at napaiwas ng tingin. Napakagat-labi naman ako.

Bigla kong naalala ang mga bagay na isinakripisyo ko para lang makapagtrabaho sa lalaking ngayon ay inaalayan ko ng pagmamahal. (Letse. Ang korni ko. Heuheu.) Nakakaguilty din pala.



three • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon