018

900 51 7
                                    


"SO, ladies and gentlemen, our very own guest for tonight, MR. JEON WONWOO! Let's give him a round of applause!"

Sinundan ko nang tingin ang pag-akyat niya sa hagdan. Pasimple kong inayos ang suot kong baseball cap, jacket and backpack na hiniram ko sa kanya.

Hindi ako pwedeng magpakita. Alam kong kapag nakita ako ng mga fans niya, iba na naman ang pag-interpret nila. Issue na naman yun. Naalala ko kasing pinalaba naming kami noon at kalat iyon sa lahat.

Pagkaupong-pagkaupo niya ay nakita kong lumibot agad ang mata niya sa paligid. Kumibot-kibot ang mga labi ko.
Sino naman kayang hinahanap nito? Sa dami nang tao dito at maiingay pa, siguradong di niya mahahanap ang hinahanap niya.


"So, hi, Wonwoo. How are you?," tanong ng host.

He glanced at her pagkatapos ay lumibot ulit ang paningin niya sa lahat. He answered while scanning the crowd. "I'm fine. Wala namang mali sa akin."


The host chuckled. Naiiritang tumaas ang isang kilay ko. Maharot. Pero parang di naman siya pinansin ni Wonwoo. Buti nga.


"Matagal ka nang di nagpapainterview. At ito ang unang beses na hindi mo tinanggihan ang paanyaya ng show. Tell me, bakit ka pumayag ngayon? Dahil ba sa ako na ang nag-invite sayo?"

The crowd giggled and Yieee-d. Flirt. Umirap ako. Badtrip.


Subukan lang makipaglandian ni boss. Talagang magriresign na ako.

"Don't have any reasons at all. Marahil ay hindi ko na kayong tanggihan."

Good, boss. Good.

Tumaas ang kilay ng host. Dahil siguro hindi man lang siya tinatapunan ng tingin ng boss ko. Sinundan niya ang tinitingnan ni Woo at saka napakunot-noo.


"It seems like you are looking for someone in the crowd. May hinahanap ka ba?," she asked.

Natigilan si Wonwoo, ngunit panandalian lang dahil tumango din siya.

"Who is it, then?"

Muli ay natigilan siya. Pagkatapos ay unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mapupula niyang labi. Mukhang nagulat ang lahat dahil sabay sabay na napatili lahat nang babaeng nakapalibot sa akin at sa stage. Mas lalong lumakas ang hiyawan nang magsalita pa siya.

"Someone special. I'm looking for someone special."


Nahigit ko ang hininga ko. Someone special?! Tumalim ang mga mata ko. Why did he kiss me then? May nalalaman pa siyang You're Mine you're mine, may iba pa pala siyang gusto! Loko talaga! Paasa!


"Ooh! I wanna meet that someone special of yours. Marahil ay siya ang dahilan kung bakit ka nandito."

Mas lalo tuloy akong nainis sa host. Lalo na kay boss.



"Uh..maybe. Pero hindi ko siya makita," Jeon Wonwoo answered.

I snorted. Letse talaga. Sana di mo nga makita. Tsk. Teka—bakit ba ako nagrereact? PA lang ang role ko, feeling ko naman kami na! At saka may anak na ako!!!

Mukhang naghahanap din ang mga katabi ko kasi nagbubulungan. Hindi ko gaanong marinig pero ang weird dahil pasulyap sulyap sa akin yung isa.
Nakikilala ba ako nito? O sadyang nagagwapuhan lang?
Mas tinakpan ko ang mukha ko nang cap. Letse.

"Aw..sad. Sa dami nang tao dito sa loob, talagang mahirap siyang hanapin. Hmm...anong gusto mong mangyari para makita mo siya?," the host asked.


three • meanieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon