"WHAT is my shedule for today?"
Napasimangot ako. I flipped the pages of my notebook to look for his schedule for this day. Mas lumala ang mukha ko nang makita ko na.
Gusto kong magreklamo. Hindi naman ako ang manager niya eh! Bakit ako ang may hawak ng notebook na to?!
"Wala si Tamiah. Busy rin siyang tao at sa isa pang artist na hawak niya. At ikaw ang available at PA kita. Huwag ka nang magreklamo. Sineswelduhan kita kaya umayos ka at sumunod na lang."
At yun nga pala ang sasabihin niya.
Napairap ako sa hangin. Letse. Oo PA lang ako! Ito na! Babasahin na!"Masyado tayong busy ngayon, boss. May MiniFansigning ka sa jdgdhshbd Mall at 9:00 am, tapos after that ay lunch with some producers and composers in Loveless—"
"Producers and composers? Is Lee Jihoon involve in that meeting?," asar niyang tanong.
I nodded. And answered "Yes, boss. Siya rin ang nagpasched."
He snorted but didn't say anything anymore. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa nang schedule niya.
"Again, that lunch will be at Loveless. Tapos last is a 4:30pm photoshoot for a brand promotion na pinirmahan mo last week. Sabi ni Manager Tamiah, kasama daw natin siya sa lunch at sa pagpunta nang venue."
Napabuntong-hininga kami pareho. Pero mas mabigat yung sa akin, kasi sumasama na naman ang loob ko sa sched niya. Lumala pa yun nang marinig kong izinipper niya yung maleta niya. He walked towards me and handed me the bag.
"Bilisan mong gumalaw. Ayokong malate sa FSing. Naghihintay ang mga fans ko," mayabang niyang utos bago tumalikod at naglakad palabas nang condo niya.
Tiningnan ko nang masama ang pintuang nilabasan niya.
Naku!!! Kung di lang kita gusto, talagang ilalagay na kita dito sa maleta mong violet at itatapon sa Han River!"Pinag-iisipan mo na naman ako ng masama? Boss mo ako at pinapasweldo kita, kaya galangin mo ako."
Napairap ulit ako. Yun na naman kasi ang sasabihin niya kapag nahuli niyang masama ang tingin ko sa kanya! Badtrip eh.
PUMAMEYWANG ako at huminga nang malalim.
Letse. Ang alam ko, PA ako ni Jeon Wonwoo, hindi nang lahat! Aba't! Halos sa akin inuutos lahat simula nang mag-umpisa ang fansign! Ni hindi ko na nga masilip ang ginagawa nang boss ko sa stage eh!
Nagngingitngit ang kalooban ko habang masama ang tingin sa mga gamit nang boss kong nakasalansan lang sa gilid. Gusto kong magwala sa inis pero ano na naman ang sasabihin niya pag ginawa ko yun?
"Mahiya ka naman. Isang Jeon Wonwoo ang boss mo, kaya umayos ka. Sineswelduhan naman kita, ah."
Yun na nga eh! Sineswelduhan niya ako! Siya lang at hindi kasali ang mga taong panay ang utos sa akin ngayon! Siya lang dapat ang may karapatang utusan ako. Kasi siya ang boss ko!
"Kim Mingyu!"
Ayan na naman! Ano bang problema nang mundo sa gwapong gwapong ako, ha? Pumorma pa ako ngayong araw tapos masisira lang din naman pala ang eyeliner ko dahil sa pawis! Sayang, bigay pa mandin yun nang Ninong Baek ko! (KaiSoo po mga magulang niya. Hihi—Dejokelang.)
Nakataas ang kilay na nilingon ko ang camerawoman at nagorganize nang event. "Miss Claire. Ano po yun?," masungit kong tanong.
She looked at me up and down. Tumaas ang mga kilay niya. Nakataas din ang kilay na sinundan ko ang tinitingnan niya. Tumigil ang mga mata niya sa tiyan ko bago iyon umangat sa mukha ko. Kinunutan ko siya ng noo.
BINABASA MO ANG
three • meanie
Short StoryTHREE He wanted me to be his boyfriend for THREE months, I agreed. Then, THREE days before it lasted, I realized I already fell in love with him. He found out THREE hours after and I was fired, because I just broke a rule. Then, three years after...