Kiara's POV
Ng maalala ko ang bad news ni papa, san naman kaya ako kukuha ng ganung kalaking pera?
*knock* *knock*
Tamad kong binuksan ang pinto.
"Hi Kiara!" sabi ni Nene
"Hello, naparito ka? Pasok ka!" Pagimbita ko
"Nako! H'wag na may ibibigay lang ako" -Nene
May inabot siya sa'kin na sobre.
"Imbitado ka sa debut ko mamaya hehe" masaya niyang sabi
"Ah, sige salamat. Ano ba ang dapat kong suotin?" sabi ko
"Kahit dress lang, ok na yun. Alis na ko hehe" sabi niya
"Sige sige" sabi ko
Pagkalakad niya pauwi ay naisara ko na ang pinto.
Binuksan ko ang sobre at may nakita akong pera?!
de joke.
Syempre invitation. Binasa ko anh nilalaman.
You are invited
to
Nevea's Debut
What: Nevea's Debut
When: November 25, 2016
Where: Near your house
How: Walk
Who: You
Why: You're invitedChuchurvaness. hahaha
"'nak! magluto ka na!" rinig kong sabi ni papa
"Sir Yes Sir!" Sigaw ko
Nagluto na ako pati nagsaing.
Tinawag ko na din sila mama at papa para kumain.
Nagdasal muna kami bago kumain.
Habang kumakain, tinanong ko sila papa.
"Pa, ma. Wala ako dito mamaya" pagpapaalam ko
"Saan ka pupunta?" -tanong ni mama
"Kila Nene lang po, debut niya eh" sagot ko
"Kaya pala may inaayos sa kanila!" sabi ni papa
"Hehe, opo. Makikikain lang naman ako tapos upo upo lang ganon. hehe"
"Mag-uwi ka 'nak ha?" papa
"Kapal mo talaga pa!" sabi ko
"Hahaha. Eh ano naman ang susuotin mo?" sabi ni mama
"Yung pink na dress po na bili niyo sa akin noon! Paborito ko po iyon. hehe"
"Sige sige. Baka doon mo pa mahanap mapapangasawa mo" -mama
"Nako ma! Wala pa yan sa dictionary ko" sabi ko
"Oo nga, tama ang anak mo." -papa
Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinagkainan.
Natulog muna ako.
BINABASA MO ANG
She's A Hater (KathNiel)
Hayran Kurguhat·er ˈhādər/ noun a person who greatly dislikes a specified person or thing.