XVII

91 5 1
                                    

Kenneth's POV

Napansin kong nadapo ang kaniyang tingin sa bandang 'baba ko'

"Wala namang dapat mangyari eh!" Bulalas niyang bigla

"Bakit? Gusto mo bang meron?" tanong ko.

"Kung gusto mo, pwede naman" nakita kong nanlaki ang kaniyang bilugang mata.

"H-hah?! Hindi! Wala!" Sigaw niya. Kaniyang mukha ay sing-pula na nang mansanas. Katulad nung kinain ni Snow White. Oo, napanood ko, si Mela kasi!

"Sabihin mo lang, dadalhin kita sa langit" nanlaki lalo ang kaniyang mata. Lalong pumula ng kaniyang pisngi at napansin ko ang pagtaas baba ng kaniyang dibdib. Bumibilis ang kaniyang paghinga.

Ang saya asarin nito. Lumapit ako lalo sa kaniya.

"H-hwag ka nga! Shoo! Shoo!" pagtataboy niya.

Ngumisi ako. "Apektado ka ba?"

"H-huh? Saan?!" Medyo Hysterical niyang tanong

Itinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at ibinaba ang level ng aking ulo upang makatapat siya. "Sa mga sinasabi ko"  Bulong ko

"Wahhh! Perv!" Kinagat niya ang aking balikat. Pero hindi naman ako nasaktan

"Sino sa atin? Eh ikaw nga yung nakatingin sa ano ko. You know..." 

"PAANO MO NAKITA YUN?!" Napatakip siya sa kaniyang bibig.
Mabilis siyang tumakbo sa kaniyang kwarto at sumigaw ng,

"Good Night. Wala akong sinabi"

Napailing na lamang ako. Ang cute niya.

-

Kiara's POV

Nagising ako dahil may yumuyugyog sa akin.

"Ano ba" sabi ko sabay hampas sa kamay

"KIARA!" boses babae.

Umungol ako. Naramdaman ko ang paglakas ng pagyugyog niya.

"KIARA MAY PASOK TAYO!" sigaw niya sa tainga ko.

Napabalikwas ako.

"CHELSEA?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" pasigaw kong tanong

"Duh? May pasok na"

Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot. Naka dress na puti siya at white heels.

Tiningnan ko ang oras at date sa cellphone ko. November 6, 8:15am.

10:00 pasom namin, at malayo ang school namin dito.

"Shems" bulong ko sabay tingin sa kaniya

Tumakbo ako papunta sa banyo

"NANDITO PALA SI KENNETH STANFORD. BWISIT KA! YOU HAVE TO KWENTO MAMAYA!" sigaw niya

Fan din pala 'to. Tsk.

Chelsea Lim. 17 years old. Mayaman siya unlike me. Maganda at mabait. Isa siya sa mga Queen Bee sa school.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako ng white off-shoulder dress na above the knee at nagsuot ako ng white na sandals.

Medyo bumababa yung dress ko. Nakikita tuloy yung cleavage ko. Wala pa naman akong bra kasi may foam naman tong dress na to
Sadya bang dapat ipakita cleavage pag ganto suot?! Dahil ang ganda naman ng suot ko. Magtatyaga na lang akong itaas.

Wala nga pala si Chelsea sa kwarto ko. Baka nasa sala. Lumabas ako ng kwarto.

Nakakarinig na ako ng sangkaterbang tanong.

She's A Hater (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon