Kiara's POV
"Ako na" sabi niya
*dug* *dug* *dug*
tunog ng sound system, pwede na kasing sumayaw.
"Yan, ok na!" sabi niya. Sabay layo sa mukha ko
"Tara! Sayaw tayo!" pag aya ko
"AYOKO!" pag ayaw niya
"Pleeaasseee?" sabay hila sa kaniya ngunit dahil mas malakas siya, di man lang siya nagstep forward kahit isa, you know, nakatayo lang siya dun. Tapos nakangiti, baliw si unggoy hahaha.
haha. ayaw niya talaga
"Di ako sumasayaw!" sigaw niya. Di ko na din kasi siya marinig gawa ng music.
"Sige naaa!" I gave him my puppy eyes.
"Ugh! Ok" Sabi niya. Nagpahila na siya
"Yay!"
Pumunta siya sa may gitna at sumayaw ng kung ano anong moves. May pa fetty wap, closer, at iba pa. Magaling naman pala sumayaw 'to eh, nahihiya lang.
Nakisabay na lang ako sakaniya.
Napansin kong natigilan ang mga tao sa pag sayaw. Nakatingin lang sila kay Kenneth.
Napatigil din ako atsaka pinanood siyang sumayaw.
''WOW! FIRST TIME!'' sabi ni Maria
''Woohhh! Go Kenneth!''Sabi ni kuyang mukhang beijing.
"Bes! Cellphone" sabi ni Nene kay Maria
Kinukunan ng video ni Maria si Kenneth na sumasayaw. Di pansin ni Kenneth ang nangyayari dahil sumasayaw siya, obvious na nag eenjoy ito.
Tuwang tuwa akong pinapanood siya.
"Babe! Tarpaulin!" sabi nung babae dun sa lalaki
May binigay yung lalaki sa babae, binuksan ito nung babae.
'Kenneth The Great' ang nakalagay sa tarpaulin. May picture pa niya na naka korona. hahaha.
'Go Kenneth!' sigaw nang mga tao
'Talented! Galing wohooo!' sabi nung isang babae
'Sana tayo na!' sabi nung bakla
Walang Forever!
De joke, meron. Bakit nasa dictionary pa kung hindi nag e-exist sa kamunduhan?
Napatigil lamang siya ng napansin niyang di na ako sumasayaw. Tumingin siya sa paligid at lahat ng mata ay nasa kaniya.
"Bwiset ka Kiara, nakakahiya" Bulong niya
"Hihihihi" tawa ko
Hinila na lamang niya ako sa may buffet. Buti na lang. Gutom ulit ako eh. Pero ngayon ay kanin at sinigang naman ang nilagay ko sa plato.
"Grabe! Parang kanina lang, kumakain ka" sabi niya
"Pake mo?"
"Oras oras ata gutom ka"
"First time mo nga lang sumayaw eh" sabi ko habang lumalamon
"Ayieee. stalker ka? Pano mo nalaman?" Pang aasar niya
"Narinig ko dun sa bakla" sabi ko
Yun naman talaga ang totoo"Ikaw nga lang nakapag pasayaw sa akin" Sabi niya.
Hirap talaga maging maganda haha.
"Makulit kasi ako!" sabi ko
"Tama ka" sabi niya
BINABASA MO ANG
She's A Hater (KathNiel)
Fanfictionhat·er ˈhādər/ noun a person who greatly dislikes a specified person or thing.