XV

95 3 1
                                    

Kiara's POV

Nagising ako dahil sa amoy ng sunny side up.

Gutom na ako yun ang alam ko. Bumangon na ako at inayos ang aking kama. Hinalikan ko sa noo si Stitch na katabi ko pala kanina.

Dali dali akong pumunta sa banyo para magmumog at maghilamos

Pagtapos ay umupo sa upuan sa hapag. Nakahanda na dun ang plato na may kanin na medyo sunog pa at sa tabi nun ay ang sunny side up na medyo basag na at may kasama pa itong hotdog.

Napatawa naman ako.

Kinain ko na ito. Sobrang alat nung itlog baka magkasakit ako sa bato. Ang pangit ng lasa ng kanin huhu. Atsaka nung hotdog. Parang may kulang. Promise. May kulang.

Alam kong puro sunog 'tong mga 'to pero sino ang nagluto ng mga 'to?

Napatingin naman ako sa isang basong gatas sa tabi ng plato.

May papel na nakadikit. "Busy ako ngayon, hinanda ko ang mga 'to para sa'yo, sorry kung sunog. Ingat! :) :*"

Napangiti naman ako. Alam kong nag-effort siya sa mga 'to. Inubos ko ang pagkain. Wala akong tinira kahit isang butil ng kanin.

Bumalik ako sa kwarto, umupo sa kama at pinagmasdan ang mga pink na laruan na naka-display pa sa itaas ng drawer ko.

Alam kong murderer ako ng dolls noon. Katulad dun sa ginawa ko sa doll ni Inday. Kawawang manika. Pero gusto ko talaga magkaroon ng ganto noon pa man.

Gusto ko na itong mga laruin kaso wala akong kalaro. May doll house din akong pinabili na may maliliit na gamit sa loob, bumubukas pa ang pintuan nito at may maliit na tao sa loob.

"Ay manika!" bulalas ko ng marinig ko ang ringtone ng aking cellphone.
Nagtext si Arisse.

-------------------------------------------------------------
From: Arisse

Sissy! May especial event dito! Myghad! Lahat ng workers need here! Kahit hindi ka naka uniform. See yah Later! Mwah! :*

-------------------------------------------------------------

Nireplyan ko siya ng 'ok sige maliligo na ako'

Chinarge ko ang cellphone kong dalawang matabang linya na lang ang natitira.

Atsaka ako naligo.

Lumipas ang 45 minutes ng ako ay lumabas sa banyo.
Nagbihis ako ng puting off-shoulder na may stripes na blue at white ripped jeans. Atsaka blue na sandals. Binili namin ito kahapon.

Naglagay na ako ng mga simpleng kaekekan sa mukha.

Lumabas na ako ng bahay nakalagay sa aking balikat ang maliit na shoulder bag. Nag-abang ako ng tricycle. Ng makasakay ako ay sinabi ko na kung saan ako pupunta.

Buti pa dito, sariwa ang hangin. Tahimik at walang gulo. Di katulad sa manila, puro polusyon masisinghot mo. Di pa man ako nakapunta dun pero yun ang sabi nila.

Nakarating na kami sa aking paroroonan. Bumaba na ako. Napansin kong sobrang daming tao sa labas ng Restau. May artista? Si Kenneth?

Nag-excuse ako sa mga tao upang makadaan. Grabe naman, iniipit nila ako huhu. Hindi po ako sardinas.

Ng makapasok na ako ay dumiretso ako sa second floor kung saan nandun si Arisse.

"Kiara!" sigaw niya ng makita ako. Kumaway pa siya.

"Arisse! Anong meron?" tanong ko ng makalapit na ako sa kaniya

"May mage-endorse na sa restau!" sabi niya habang pumapalakpak

She's A Hater (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon