Kiara's POV
Nandito pa din siya.
Siya na din ang bumili ng pang-hapunan. Balak pa yatang dito na tumiraKasalukuyan kaming nasa hapag.
"Oh? Kain ka pa!" Sabi niya
Ang dami niyang binili sa KFC. I mean, in-order, endorser pala siya nun. Kaya libre lang! Yay!
"Salamat ulit" nginitian ko siya ng totoo, yung sincere hehe. Usapang pagkain 'to bes!
"Wala yun. Libre naman eh haha" sabi niya
Um-order kasi siya ng Chicken, 3 buckets, 2 Krushers.
Ang dami niyang inorder pero mukhang ako ang makakaubos. Katabi ko siya dito sa aming pabilog na lamesa.
2 pcs. chicken at rice lamang. Ako pa ata ang makauubos.
"Dapat lagi kang nandito para laging libre" pabiro kong sabi.
"Sige ba!" sabi niya
"Joke lang naman eh!" sabi ko
"magpapa-deliver na lang ko dito" sabi niya
ikaw na mayaman -,-
Lumipas ang trenta minutos.
Naubos ni Kiara ang 1 bucket."Oh? Bakit di mo pa inubos?" tanong ni Kenneth
"Dadalhan ko sila papa bukas!" masiglang sabi ko
"Nasan ba sila?" tanong niya
"Nasa hospital, dun gagawin ang mga ka-ekekan kay mama" Pagpapaliwanag ko
"Tapos, di pa alam kung kailan ang uwi nila. Kaya baka ilang araw akong mag-isa dito." dagdag ko
Namula ako ng mapansing nakatitig lang siya sakin.
Hinilamos ko ang aking kamay sa aking mukha.
"Nakikinig ka ba?" tanong ko.
Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay bilang sagot.
"Yieee. Crush mo ko noh?" pang-aasar ko.
Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay. Pabiro kong sinampal ang kaniyang mukha.
"Baliw!" sabi ko
Tumayo na ako atsaka hinugasan ang aming pinagkainan.
"Di ka pa uuwi? Gabi na!" sabi ko
"Dito na lang ako." sabi niya habang nakayuko sa lamesa
"Bakit ayaw mo umuwi? Atsaka bawal lalaki dito bukod kay papa!" sabi ko
Pinunasan ko ang aking kamay gamit ang hand towel na nakasabit sa aming ref.
"Di naman nila malalaman" sabi niya
Kinurot ko nga siya.
"Umuwi ka na!" Pangungulit ko
"Ayaw ko nga!" sabi niya
"Bakit nga ayaw mo?"
"Magulo dun!" sabi niya
Nagtaka naman ako dun. Magulo ang alin? Ang buhay sa kanila? Ang bahay nila?
"Ang cute mo pagnaka-kunot noo." nakangiti niyang sambit
May nagkakarerahan sa aking tiyan. Natatae ba ako?
Hindi naman eh.
"Namumula ka naman ngayon." Pinisil niya ang aking pisngi
"Ish! Di tayo close" Binelatan ko siya
BINABASA MO ANG
She's A Hater (KathNiel)
Fanfictionhat·er ˈhādər/ noun a person who greatly dislikes a specified person or thing.