XVI

97 5 0
                                    

Kiara's POV

Bago ako umuwi ay bumili ako ng makakain sa Greenwich. 6 na lasangna, 4 na pizza at apat na drinks. Hinatid ko ito sa hospital. Nagulat pa sila dahil ang dami ko daw dala na pagkain.  Sinabi ko na lang yung tungkol sa endorsement shoot na pinangpalit ako dun sa gaganap talaga. Natuwa naman sila at aabangan yun sa TV. Sinabi ko din sa kanila ang pagtulog ni KENNETH sa bahay. Ok lang daw sa kanila yun, basta't walang mangyayaring iba. May tiwala na agad sila kay Kenn. Nagkaroon ng unting kwentuhan atsaka ako umuwi bitbit ang 4 pieces na lasagna at 2 pieced na pizza na syempre nasa paper bag na nasa plastic.

Magga-gabi na ng ako'y makauwi. Pagbaba ko sa tricycle ay nakita kong bukas ang pinto. Nakapatay naman ang ilaw. Naalala kong sinara ko ito kanina at iniwan ang susi sa ilalim ng paso.

Hinanda ko yung bag na dala ko para pang hataw. Ibinaba ko muna ang mga pagkain sa isang tabi. Hindi naman madudumiha dahil may plastic. Dahan dahan kong binuka lalo ang nakaawang pinto.

May nakita akong nakatalikod, nakaitim ito at mukhang ninja.

Tumakbo ako at pinagsusuntok, pinagtatadyak, at pinagsasabunot siya.

"A-aray! Kiara!"

Nang malaman ko kung kanino boses iyon ay napahinto ako sa aking ginagawa.

"Ay sorry na Kenneth!" Tumakbo ako papunta sa may switch ng ilaw at binuksan ito.

Humarap ako sa kaniya at pinagmasdan siya. Nakasuot ng itim na V-neck shirt at Tight jeans. Naka sumbrero din siya na kulay itim. Mukha siyang gwapong ninja or something. hehe. Sikreto lang yun ha?

"Bakit  kasi hindi mo binuksan ang ilaw?! Bakit ka nandito?! Akala ko ba aalis ka na?!" tinadtad ko lang siya ng iilang tanong

"Una, hindi ko binuksan ang ilaw dahil gusto sana kitang gulatin pero ako ang nagulat mo. Pangalwa, nandito ako dahil masaya dito. Pangatlo ayaw ko pang umuwi"

"hah? Bakit?" tanong ko

"Wag ka ng magtanong. Ano yung nasa may pinto na plastic?" tanong niya tapos nakatingin sa bukas na pinto.

Tingnan mo, siya yung nagtanong. Tsk

Ay shems! Yung Greenwich. Tumakbo ako para kunin yun. Pumunta naman ako sa kusina para ihanda iyon. Tapos ay nilamon ko na.

"Gusto mo?" pag-alok ko sa pizza

"No thanks. Lasagna na lang" sabi niya at tumabi sa akin para kainin ang lasagna

Arte. Di na lang lumamon, well ok na din yun, para solo ko na yung iba. mwehehe.

"May nalaman ako"

"Ano?" tanong ko

"Nag-endorse ka sa restaurant nyo"

"Wahh! Kanino mo nalaman?"

"Kay direk" simple niyang sagot

"Napilitan nga lang ako eh!" pagsusumbong ko

"Ang galing mo nga daw"

Uminit ang aking pisngi. Hindi pa kasi ako napupuri ng ibang tao maliban kila mama.

Iyak! haha

Isusubo ko na ang huling piraso ng pizza. Tapos ay yung tatlong lasagna na ang sinunod ko. hmmm! talap! talap!

Ano kayang favorite food ng lalaking 'to?

"Favorite ko 'to" sambit ni Kenn habang tinuturo ang lasagna na kinakain niya

Wow, nasagot niya.

"Walang nagtanong" pambabara ko

"Share lang" nagkibit balikat siya.

She's A Hater (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon