XVIII

87 6 0
                                    

Kiara's POV

Focus na focus ako sa pagkinig ng lesson namin ngayon.

Ayokong bumagsak! Hindi dapat! Pinangako ko kay Mama at Papa na makakatapos ako ng kolehiyo ng may karangalan.

Nililista ko ang mahahalagang sinasabi ng aming guro.

"Hihihi" Hagikgik ni Chelsea

Lumingon ako sa kaniya. Nagce-cellphone siya. Lagi naman.

Buti na nga lang at nasa likod kami at siya ang nasa pinakasulok, sa tapat ng bintana at ako ang katabi niya.

"Inaaya akong makipagdate ni Marco" Kinikilig niyang bulong sa akin.

Boyfriend niya. Crush na crush niya kasi si Marco, pero wala akong tiwala sa lalaking yun. Balibalitang isang womanizer yun. Baka kung ano pa gawin nun sa bestfriend ko. Tsk

Pero support ko na lang 'tong babaeng to. Upakan ko na lang si Marco pag pinaiyak niya bestfriend ko.

"Happy for you" Sabi ko at tinapik ang kaniyang balikat.

Naituon ko ulit ang aking pansin sa aming guro na patuloy sa pagsasalita. Pinatuloy ko ulit ang pagsusulat.

Narinig kong gumalaw ang upuan sa aking tabi.

"Wow, sipag natin ah"

Lumingon ako sa lalaking tumabi sa akin.














SI KENNETH!

WHAT?!

"Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kaniya

"Masama ba?"

"Baka dumugin ka!" sabi ko

"Nakasuot naman ako ng hoodie" atsaka pa lamang niya isinukbit ang hood ng kaniyang jacket.

"Ms. Sandoval, sino 'yang kausap mo?"

"U-uh"

tumingin ako kay ma'am, tinaasan niya ako ng kilay.

"Kevin. Kevin Santos. Seat in daw po"

Tumango na lamang si ma'am at nagtuloy sa pagtuturo

"Saan ka dumaan?" tanong ko

"Back door" simple niyang sagot

Ninja din talaga 'to. Gumapang pa ata 'to sa likod. hahaha

"Baliw" Sabi niya

Nagbalik ako sa pagsusulat ng sinasabi ni maam.

"Penge papel" Inilahad niya ang dalawa niyang kamay.

Umirap muna ako bago kumuha ng papel atsaka binigay sa kaniya

"Thanks" Aniya

Nagbalik ako sa pagsusulat.

Tumunog ang bell. Lumabas ang aming prof. Sumunod naman ang iba naming kaklase.

"Bye, Kiki. May date pa kami sa Cafeteria. hihi" Kinikilig niyang sambit.

Tumango ako. "Ingat" Ngumiti ako. Lumabas na siya ng pintuan. Naiwan na lang ako kasama ang unggoy na 'to

Nilabas ko ang baunan na may lamang cookies na galing kay Damien.

Kaklase ko ata siya sa ibang subjects ko.

"Sino nagbigay niyan sayo?" Tanong ng katabi ko.

Tumingin ako sa kaniya at tinaasan ng kilay "Pake mo ba?"

She's A Hater (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon