Kiara's POV
6:09am
Nagising ako sa tilaok ng manok ng kapitbahay namin at dahil na din sa mahinang hilik na naririnig ko.
Di ako makahinga. Katabi ko siya, mahimbing na natutulog. Yakap niya ako habang nakadantay ang hita niya sa hita ko, ang kaniyang ilong ay ay nasa bandang leeg ko. Nakikiliti ako.
Gusto ko sanag sumigaw kaso baka marinig ng kapitbahay.
Gusto ko man siyang gisingin ay hindi ko magawa dahil alam kong naistorbo ko ang tulog niya katabi. Dahan dahan kong tinanggal ang kaniyang hita sa akin at ang braso niyang nakabalot sa bewang ko. Nilagyan ko ng unan ang kanina'y hinihigaan ko. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Hayst! Akala niya ata, unan ako.
Pumunta ako sa kusina, nagsaing lamang ako dahil may dalawang buckets pa ng chicken ang natira.
Nilinis ko ang bahay. Nakakahiya naman sa bwisita.
Naalala ko ang aking panaginip. Nagbigay kilabot ito sa akin. Iwinaglit ko na lang ito sa aking isip.
Oo nga pala, naalala ko!
Yung tungkol sa 'Special' na yan. Gusto kong itanong sa kaniya.
Lumabas ako ng bahay, diniligan ang mga bulaklak na nakakalimutan ko ng diligan. hehe.
"Kiara! Totoo bang nariyan ang aking my loves?" Tanong ni Maria na dumaan atsaka huminto para ako ay tanungin
"Hah? My loves?" takang tanong ko
"Si my loves, si Kenneth!" Masaya niyang sabi.
Ano? Sasabihin ko bang nandito o wala? Baka pagkaguluhan.
"Ah, W-"
"Kia--"
"Omg si my loves!" Sabay takbo niya sa may pinto. Andoon si Unggoy.
'Hehe, hi' rinig kong sabi niya
'hello' sabi ni Maria
'Payakap! ihh!'
Buti na lang di pa gising ang karamihan sa mga kapitbahay, kundi nako! Gigiba ang bahay!
Nakita ko sa gilid ng aking mata si Maria na papalapit sa akin
"Anong ginawa niyo ni My loves?" Kinikilig niyang sabi
"Ha? Di ah! Este Wala!"
Ngumiti si Maria, yung ngiting nang-aasar.
"Ang dumi ng utak mo!" sabi ko
"Hala! Hindi ah!" Nakangiti niyang sambit habang umiiling
"Byeeee!" sabi niya tapos nag-wave kay Unggoy
Kinawayan na lang din siya ni Unggoy
"Kiara! Yung sinaing?" tanong niya
"Ay shet!" tumakbo ako papasok ng bahay atsaka pinatay ang kalan.
Buti na lang at naagapan ko ang pagpatay, kundi baka masunog ang kanin. Nakakahiya naman sa bwisita pag ganon. hehe.
"Kain na!" Inihanda ko na ang mga plato at kubyertos
Tinanggal ko ang takip ng chicken bucket atsaka kumuha ng 2 pcs.
"Takaw mo talaga, di ka naman tumataba!" Sabi niya
"Lagi kang diet, kahit payat ka!" Sabi ko
"anyenyenye"
Nang matapos na kaming kumain, naghugas na ako ng pinagkainan. Siya naman ay naligo. Pagkatapos niya ay naligo na din ako atsaka nagbihis ng skinny jeans at pink na damit na may naka-print na 'Being rich doesn't give you a right to be a bitch'
BINABASA MO ANG
She's A Hater (KathNiel)
Fanfichat·er ˈhādər/ noun a person who greatly dislikes a specified person or thing.