Kenneth's POV
"DYOSA KONG MAMA AT UGLY KONG PAPA! NANDITO NA KOO!" Sigaw niya.
Tanga talaga ng babaeng 'to tsk. Pero maganda.
"OMG SI FAFA K!"
"HALA! SINO KA?" Tanong ni Kiara
"AKO ANG PRESIDENT NG KENNETH ROCKS!" sabi ni Michelle. Kilala ko syempre.
"HALA MALI NANG ROOM! Anong room ba 'to?" tanong niya sa akin
"Room 626" Napailing ako
Hinila ko na siya palabas ng room na 'yon habang si Michelle ay hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.
Pagkalabas ay pinitik ko ang noo niya
"Tanga mo talaga" Sabi ko habang umiiling
"Mas tanga ka!" sabi niya sabay irap
"Ito kasi ang room 625" Sabay turo ko sa tabing pinto
Inirapan na lamang niya ako. Dukutin ko kaya mata mo? Joke lang. Ang ganda ganda ng mata mo tapos dudukutin ko lang?!
Natauhan na yata siya kaya kumatok na siya sa pinto.
Bumukas ang pinto at niluwa ang isang lalaking payat at medyo may puti na ang buhok pero may hitsura pa din ito, well lahat naman tayo.
"PAPA!" Sabi ni Kiara tapos niyakap ang kaniyang papa
"Panget kong anak!" pang-aasar ng kaniyang papa
Binelatan lamang siya ni Kiara
"Pasok!" sabi ng kaniyang amain
Hinila niya ako papasok. Nakita ko ang isang babaeng nakahiga sa puting kama. Kahit halata na sa mukha niya ang pagod ay maganda pa din siya. Sa kaniya siguro nagmana si Kiara.
"ABA! MAY KASAMA KA PALA!" bulalas ng kaniyang papa
"Ah opo, si Ke..."
"Oo! SI KENNETH! SOBRANG NAPAKAGWAPONG BATA!" Sabi ng kaniyang mama. Kahit nasa ganiyang kalagayan ay nakukuha pa nitong ngumiti.
Naramdaman kong uminit ang aking pisngi.
"SAN BANDA MA?!"
"Sa mukha alangan" Namimilosopong sabi ng kaniyang ina
Nakakainggit.
"Ma! May fruits akong dala!" Sabi niya tapos ay lumapit sa mama niya at punakita ang mga prutas
Ako naman ay umupo na lamang sa may sofa
"Utang lang 'yan hehe" dugtong niya
"Kanino? Kay Kenneth?" tanong ng papa niya
"Nako hindi po! Pera niya po ang ginamit niya diyan." sabi ko
"H'wag kayong maniwala diyan!" Protesta ni Kiara
"Pabayaan mo 'nak, pagnagka-pera kami ay babayaran ka namin" sabi ng papa ni Kiara
"Kahit huwag na po" sagot ko
"Nakakahiya naman sa'yo" sabi ng papa niya
"Wala lang po iyun!"
"Hayaan mo't payag kami" sabi ng papa niya
"Po?" tanong ko
"Payag kaming maging kayo" sagot ng mama niya
"MAA!" suway ni Kiara, na ngayo'y namumula na
"Sige po! Bukas na bukas kami na!" Biro ko
"Tapos sa susunod na araw kasal na!" Sabi ng kaniyang papa
BINABASA MO ANG
She's A Hater (KathNiel)
Fanfictionhat·er ˈhādər/ noun a person who greatly dislikes a specified person or thing.