Chapter 4

3.3K 91 0
                                    

Jhoana

Nagising ako ng may mahinang yumuyugyog sa balikat ko. Napamulat ako at nakita si Ate Ly.

"Good Morning, Jho. Bangon ka na dyan. Nasa baba si Marci. Dahan dahan ka lang baka magising yan. Ang higpit pa naman ng yakap." Natatawang sabi niya at nginuso si Bea. Tumango ako at ngumiti kay ate Ly.

Tumingin ako sa wall clock namin at nakitang 10 AM na. Ang aga naman! Nag angat ako ng tingin kay Bea. Anong oras kaya natulog to? Ang alam ko nauna ako sakanya eh. Dahan dahan kong inalis yung kamay niyang nakayakap sakin pati na rin yung binting naka dantay. Ang bigat! Jusko. Tumayo na ko kagad at naghanap ng maisusuot. Tapos ay dumiretso nako sa banyo.

Gustuhin ko mang mag stay kaso nakakahiya kay Marci. Ngayon ko na siya kakausapin para itigil yung panliligaw niya. Sana maintindihan niya ko. Pag maayos na ang lahat, hahanap na ko ng tyempo para umamin kay Beatriz. Natapos na kong magbihis at nag iwan ng note.

Good Morning, beh!

Hindi na kita ginisingg. Aalis po ako today with Marci. Kakausapin ko na siya. Hihi. Text mo ako agad pag gising mo ah? I promise to keep you updated! Love you!

-Jho

Pinatong ko na lang sa ibabaw ng phone niya para makita agad. Humalik rin ako sa noo niya at saglit siyang tinitigan. Ang pogi talaga! Bumaba na ko at baka hindi ako makapagpigil. Hindi ko maiwasang hindi ngumisi sa naiisip ko.

"Good Morning, Jho! Ganda ng ngisi ah?" sabi ni Mads. Ngumiti ako sakanya.

"Aba syempre. Maganda gising eh. Buong gabi ata kayakap beh niya." pangaasar ni Ate Ly. Buti na lang tulog pa yung iba. Wala naman kasing training kaya late na sila nabangon.

"Kayo talaga. Alis na ko ah? Paki ingatan na lang si Beadel! Hahahaha." Sabi ko at lumabas na. Nakita ko naman si Marci na naka sandal sa kotse niya. Naramdaman niya ata ako at nag angat siya ng tingin.

"Hi, Jho.." bati niya.

"Sana naman pwede ka ngayon?" tanong niya.

"Yup. Tara. May sasabihin din ako.." tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thanks.."

Tahimik lang kami buong byahe. Saan kaya kami pupunta? Chineck ko yung phone ko at nakitang may text si Bea.

From: Beh 💕

Good Morning, beh. Uwi ng maaga pls. Miss you. Love you.

Sht. Keleg amp. Napangisi ako. Ilang minuto pa lang ako na wala sa tabi niya miss agad? Nagreply naman ako.

To: Beh 💕

Clingy nemen. Yes po, uuwi ako agad. Miss you too.

"Uhh. Jho, andito na tayo." sabi ni Marci kaya binalik ko yung phone ko sa bulsa. Bumaba siya at pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto ulit. Naks, gentleman si koya. Pero walang tatalo sa Beadel ko no.

Nakita ko namang nasa mamahaling resto kami. Naunang maglakad si Marci at may binulong sa crew.

"This way, sir/ma'am.."

Sinunod namin siya at nakita kong may nakahandang table for two. Wow. Prepared HAHA nung nakarating na kami ay pinaghila ako ni Marci ng upuan.

"Thank you." sabi ko at ngumiti. Umupo na rin siya sa harap ko.

"Serve ko na po yung foods sir?" tanong nung crew. Nag angat ng tingin si Marci kaya nagka chance ako na icheck yung phone ko. Sakto may reply si Bea.

MiddleWhere stories live. Discover now