Chapter 10

3K 76 22
                                    

Jhoana

After kong isuot yung sapatos ko ay agad akong pumunta sa salamin. Naka dress ako and light make up. Narinig kong nag beep ang phone ko kaya chineck ko yun.

From: Ate Ella

Hoy, kasama ko na si Bea. Siya yung nagd-drive. Nag tataka nga kung bakit sa Antipolo kami pupunta. Sabi ko may nakita akong resto na gusto kong i try. Okay na yun diba? San ka na ba?

Walangya. Nasa byahe na sila kagad? Aalis pa nga lang kami eh.

To: Ate Ella

Excited ka no? Aalis pa lang kami ni Auds dito! Hahahaha.

Tumingin ulit ako sa salamin at inayos ng bahagya yung buhok ko.

This is it.

Naisip kong tawagan si Ate Ells kaso naalala kong kasama niya si Bea.

"Pangs, tara na! Nasa byahe na sila. Na contact mo ba parents ni Bea? Sila mama?" Tanong ko sa pinsan ko. Agad siyang ngumiti at nag thumbs up.

"Papunta na rin daw. Ikaw yung kailangan dun pero nandito pa tayo. Ano ba naman yan, Jhoana." Sabi niya.

Kinakabahan ako. Sobra.

"Anuna, pangs? Parang timang? Natulala?" Napabalik ako sa wisyo nung nag salita si Auds.

Ano ba, Jho. Kalma nga. Anong akala mo HS ka lang?

Huminga ako ng malalim saka hinila yung pinsan ko.

"Bilisan mo naman maglakad, Auds! Mal-late pa tayo neto eh." Sabi ko sakanya at agad sumakay sa passenger seat. Driver ko siya for tonight eh hihi

Napansin kong napairap at iling siya bago sumakay. Natawa ako.

"You know what, pangs? You owe me. A lot. Grabe na to eh. Gawin ba naman akong driver? Sabi ko kay Tita Lovel bigyan ka na ng sasakyan eh." She said habang palabas kami ng campus.

"Ayoko. Hindi ko kailangan ng sasakyan. Hahahaha." Sagot ko.

"Yup. Yun din sabi ni Tita. May taga hatid ka naman daw kasi."

Sasagot na sana ako kaso nag ring yung phone ko.

Ate Ella calling...

"Hello?"

"ASAN KA NA?!"

"Woah. Chill. Malayo pa kami. Traffic eh."

"Nandito kami ni Bea sa resto-ng sinabi ko sakanya. Nag paalam lang akong magc-cr para matawagan ka. Nagtext si Alyssa, okay na daw lahat. Nandun na parents mo and ni Bea. Kayo na lang hinihintay."

"Okay lang yu- HA?! Bakit ang aga?! 7 pa sabi ko ah?!" Napatingin ako sa relo ko at nakitang 6:20 pa lang.

"Aba hoy, Jhoana Louisse! Bakit ka naninigaw? Baka gusto mong ilaglag kita dito kay Bea."

MiddleWhere stories live. Discover now