Jhoana
Hayyy. Andito kami sa MOA. Manonood ng beach volleyball with beh 😍 jk. Ang totoo nyan sinamahan niya ko kasi may homework kami for my photography class. Nasa isang tabi nga lang kami na parang may sariling mundo. At etong katabi ko eh kanina pa nakasandal sa balikat ko. Pagod daw siya. Sipag naman kasi niya eh. Sabi ko wag na kong samahan pero nagpupumilit.
"Beh"
"Oh?"
"Hindi ka pa ba tapos? Inaantok na ko talaga" sabi niya sabay hikab. OMG. Ang cutieee.
"Sabi ko naman kasi sayo magpahinga ka na lang sa dorm. Ang kulit mo eh." sabi ko naman. Hay nako, Beatriz.
"Gusto po kaya kitang kasama. Tsaka kung kailan naman po gabi dun mo sasabihing may homework ka. Sa pagkakaalam ko last week sinabi yan ah? Wag na tumanggi. Nakita ko sa planner mo." sermon niya.
Leche. Ganyan siya lagi. Pag may nakakalimutan akong gawin sesermonan niya ko imbis na maki ride na lang. Pero oks lang. Nakakaturn on nga yung taong responsable eh. Ay ano daw.
"Tse. Ewan ko sayo beh. Daming alam 😒" pag iinarte ko. Anuna, Jho 😂
"Ano pa bang kulang beh? Kanina ka pa nagkukuha ng picture dyan ah. Hindi ka na natapos. Inaantay mo ba yung crush mo? 😏" hala anong problema neto. Selos lang? Assume pa Jho sige. Mapagtripan nga.
"Oo. Ang tagal nga eh. Asan na ba kasi si Marci? Baka naman nakita mo?" sagot kong medyo natatawa dahil sa reaksyon niyang nagbago. From 😛 to 😏.
"Kahit makita ko yun hindi ko sasabihin sayo" bulong niya sabay walkout.
Luh. Problema non. Baka matutulog sa kotse. Yaan ko muna. Dalawang shot na lang naman okay na.
"Jho?"
"Uy Marci! Kamusta?" gahd yung crush ko mga bes.
"Okay naman. Nakasalubong ko si Bea ah. Nakasimangot. Nagtatampo nanaman ba sayo?" nako hindi nagseselos lang yon sayo.
"Huh? Hindi. Inaantok na kasi. Galing kasing school tas sinamahan ako dito." syempre kailangan itanggi haha
"Sana sakin ka na lang nagpasama 😉" hala ka bes! kumindat!
"Nak--" hindi ko natuloy kasi may humila bigla sa braso ko.
"Ano ba?!"
"Akala ko pa naman susundan mo ko. Umuwi na tayo." ahhh si Bea. Ang cold naman niya 😞 sumakay na siya kotse niya kaya sumakay na rin ako.
Tahimik lang buong byahe. Nagtext na lang ako kay Marci at humingi ng pasensiya sa biglaang paghila sakin ni Bea. Nagreply naman siya agad at sinabing okay lang. Tumingin ako kay Bea. Seryoso lang siya habang nagd drive. Hay. Mahabang suyuan nanaman to.
"Done checking me out?" halaaa napatitig pala ako sakanya nakakahiya 😩
"Uhh.. Ano.." shet bat ganto
"Nandito na tayo. Baba na." cold pa rin bat ganon.
Aba. Nauna pa siya sakin ha. Nasa may pinto na kagad siya. Kingina ang bilis. Kakababa ko lang eh.
"Hoy Bea. I lock mo kotse mo" sabi ko. Lumingon siya saglit saka nilock yung kotse. Dire diretso pa rin siya paakyat.
Shems. Nandito sila ate Ly. For sure magtatanong sila bat ganon aura ni Beadel. Juskopo.
"Oh Jho. Saan kayo galing? Nakasimangot beh mo ah" ate Ly. Shet ayan na. Susundan na ni Juju at ate Ella yan.
"Ah ano sa MOA." napatingin naman ako kay Jia na nakangisi. Sinamaan ko na lang ng tingin. Aba bumelata pa!
YOU ARE READING
Middle
Fanfiction"I'll promise to build a new world for us two. With you in the middle."