Chapter 9

2.9K 83 30
                                    

Jhoana

Nasa kotse kami ni Bea ngayon dahil kakain daw kami ng lunch sa UPTC. Kakatapos lang kasi ng morning training at wala kaming class pareho. Naguguluhan nga ako dahil bad mood siya pero nag aya siyang kumain. Knowing Bea, pag bad mood siya talagang hindi ka niya papansinin or mas gugustuhin niyang mapag isa.

Natigil ako sa pag iisip ng nag vibrate phone ko. Agad kong kinuha iyon dahil baka importante.

From: Ged 

Moanaaa! Nabasa mo ba text ko sayo kagabi?

Huh? Anong text?

To: Ged 

What? Anong text?

Tinignan ko yung thread ng convo namin pero wala naman siyang text kagabi. Napatingin ako kay Bea na seryosong nakatingin sa daan. 

From: Ged

I'm asking you if we can go out sana. Ngayong lunch. Nasa BEG kasi ako. Kaso hindi mo ata nabasa? May sasabihin din ako.

Ay may ganun? Bat hindi ko alam yun? Hahahaha.

To: Ged

Uhh.. sorry, Ged. Wala naman akong na received and magl lunch kasi kami ni Bea ngayon. Maybe next time??

Hindi na siya nag reply kaya tinago ko na yung phone ko. Hindi ko naman kasi talaga alam na nagtext siya. Tanungin ko nga si Bea. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ko.

"Dinelete ko." Aniya.

"Huh?"

"Dinelete ko yung text niya." 

Agad akong nainis sa sinabi niya. Pero kailangan kong kumalma dahil bad mood din siya. Mag aaway lang kami.

"Bat mo dinelete? Sana sinabi mo muna sakin." Huminga muna siya ng malalim bago tumigil sa isang tabi at bumaba. Sumunod ako sakanya.

"I don't want you to be with him. Hindi mo ba nababasa yung nasa twitter, Jho? O nababasa mo pero natutuwa ka pa kaya hindi mo na lang pinapansin? May gusto siya sayo. Alam kong alam mo yun." Sabi niya. 

"Alam kong may issue tungkol sakanya at sa fans natin. Pero nanatili na lang akong tahimik para hindi na lumaki.." Sagot ko at umiwas ng tingin. Aamin ko, nagugustuhan ko si Ged pero hindi katulad ng kay Bea.

"Last week, gabi gabi kayo magkasama. Pinabayaan lang kita na makasama siya kahit na deep inside pinapatay na ako. Respeto naman, Jho. Ako yung manliligaw mo oh. Kaya ba hindi mo pa ko sinasagot dahil sakanya? Tell me, may hinihintay pa ba ako?" 

Napaharap ako sakanya ng sabihin niya yun. Kalmado naman siya pero kitang kita ko yung sakit sa mga mata niya.

"Hindi ganun yun, Bea."

"Sagutin mo yung tanong ko, Jho. May hinihintay ba ko?" Pumikit ako ng mariin at dahan dahan akong umiling.

"Bullshit!"

Nagulat ako kaya agad akong napadilat ng suntukin niya yung puno sa tabi niya. Nakita kong napangiwi siya dahil nagdudugo yung kamay niya pero mas pinili niyang hindi pansinin iyon.

"So all this time pinapaasa mo lang ako? Sa mga I love yous mo? Ano to, Jho? May galit ka ba sakin?" Tanong niya. 

Agad kong iniwas yung tingin ko dahil nakikita ko yung dahan dahang pagtulo ng luha niya. Hindi ko kaya. Bakit ganto?

"S-sorry, Beatriz. N-natatakot pa kasi a-ako sa s-sasabihin ng tao."

Napatingin ako sa kamay niya at nakita kong dumudugo pa rin. Lalapitan ko na sana siya pero naunahan niya ko magsalita.

MiddleWhere stories live. Discover now