Chapter 6

3.5K 90 2
                                    

Jhoana

Nagising ako ng may narinig akong tumutunog na phone. Nilingon ko yung side table at phone pala ni Bea na naga alarm. 5 AM na. May training pala kami ng 7. Nag angat ako ng tingin at nakita siyang mahimbing pang natutulog. Totoo bang nililigawan niya ako? Napatitig nanaman ako syempre. Hahaha.

"Good Morning, love.." sabi niya pero nakapikit pa rin. Ang husky bes! Jusko. Hindi ko yata kakayanin. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Good Morning, beh.. Nag alarm na phone mo. Bangon na tayo." sabi ko at tatayo na sana. Pero dahil siya si Beatriz, hinila niya ko pahiga ulit at niyakap.

"I love you." aniya at humalik sa buhok ko.

"Nako, Isabel. Ang aga pa ha!"

"Sus. Kinikilig ka lang. Aminin mo." pangaasar niya pa.

"Tse! Tayo na kasi."

"Huh? Tayo na? Hindi naman kita minamadali diba?" Naguguluhan niyang tanong.

"Gaga! Hindi! Sabi ko tumayo na tayo." sabi ko at bumangon na. Dumiretso ako sa cabinet para kumuha ng damit namin.

"Ahhh. Basta mahal kita."

Napairap na lang ako. Tumahimik kami saglit pero nagsalita nanaman siya.

"Love, mahirap magtago ng kilig. Namumula ka nga oh." pagkasabi niya nun bigla akong napalingon sa kanya. Nakaupo na siya ngayon.

"Ano naman ngayon kung kinikilig ako? Masama na ba?" tanong ko at tumawa.

"Wala naman akong sinabi hehe" sabi niya tapos lumapit sakin. Niyakap niya ako kaya sumiksik ako sa may bandang dibdib niya. Ang bangooo! Shems. Bat ganon?

"Baka maubos naman yung amoy ko, beh." tawa niya.

"Oy, ang aga aga ng harutan niyo ah. Mag ayos na kayo." napatingin kami sa pinto at nakita namin si Jia.

"Magaling ka talaga manira ng moment, Ju no?"

Kinurot ko naman si Bea. Baka iba na tinutukoy neto eh. Ngumiti na lang ako kay Jia tapos lumabas na din siya.

"Aww! Para saan yon?" tanong niya sabay himas sa part kung saan ko siya kinurot.

Hindi ko na lang siya pinapansin at kumuha ako ng damit niya. Game na pala mamaya. Kinakabahan ako. Bakit ka naman kakabahan, Jho? First time ba maglaro? Hahaha.

"Beh, makikiligo na lang ako. Alam ko namang magtatagal ka sa banyo. Para mabilis tayo." Tumango ako at ngumiti.

"I love you.." Jusko! Maliligo lang siya nyan ah.

"Oo na. Oh." Kinuha niya yung damit na inabot ko at tumingin lang sakin.

"Walang sagot?"

"Sa tanonggg, kung bakit ka mahalaga~" Pangaasar ko pa. Hahaha. Pikon to eh.

Alam ko naman iba yung tinutukoy niya. Aasarin ko lang. Pinitik niya yung noo ko.

"Aish. Walang sagot sa I love you ko?" Aniya at kumamot sa batok.

"Tanong ba yun?" Tawa ko. Tumalikod siya ng nakahawak pa rin sa batok.

Kung nakikita niyo lang yung reaction niya. Jusme. Matatawa kayo. Parang batang inagawan ng candy eh. Palabas na siya pero narinig ko pa siyang bumulong.

"Mahirap bang magsabi ng I love you too?"

Lakas ng trip! Bumubulong pa eh. Hahahaha. Napailing na lang ako at pumasok sa banyo.

Bea

Nakakainis naman. Hindi na ba niya ko mahal? Nagbago na ba isip niya? Sht. Stop over thinking, Bei. Nangaasar lang yun.

MiddleWhere stories live. Discover now