Chapter 12

754 19 1
                                    

Naging kapansin pansin ang ngiti ng dalawa kinabukasan. Napansin ni Jaja yun kaya siniko niya ang mama niya sabay nguso sa dalawa.

"Anak, nakakatawa ba yang kinakain mo?"

"Huh?"

"Kanina pa kasi kayo nakangiti dyan." Singit ni Jaja.

Bigla bigla na lang namula si Jho kaya napangiti si Bea na kanina pa nakatitig sakanya.

Sasagot na sana si Bea nag narinig nilang nag ring ang phone ni Jho. Tumayo siya at nag excuse para sagutin yung tawag.

"Hello?"

"Kumakain lang kami tapos babalik na ng campus."

"Mamaya pa lang kami magi impake."

"Sige, Mich. Pasabi na lang kela Coach male late kami. Thank you. Bye."

Pagbalik ni Jho sa lamesa nakita niyang nagtatawanan yung tatlo. Napansin siya ni Bea kaya tumigil ito sa pagtawa.

"What is it, love?" Tanong nito.

"Si Michifu. Tinatanong kung pabalik na tayo. May training daw kasi." Sabi ni Jho at nagpatuloy sa pagkain. Tumango na lang si Bea at muling nakipakwentuhan sa dalawa.

Pag tapos kumain umakyat na sila para mag ayos.

"Love."

"Hmm?"

"Nakita kong nagtext si Ged kagabi sayo pagpasok natin galing balcony. Anong sabi niya?" Nahihiyang tanong ni Bea.

Sus. Selos naman to agad. Sabi ni Jho sa isip niya.

"Tinatanong niya lang kung safe ba tayong nakarating."

"I see."

Lumapit si Jho kay Bea at hinawakan sa pisngi. Tumitig naman si Bea sakanya.

"Wala yun, beh. Hindi na siya nagreply after nun. Wag mo na isipin yun, okay?"

"Yes po." Sabi ni Bea

-

Nakabalik na sila ng campus at dumiretso sa training. Pero pagdating nila ay hindi pa nagsisimula.

"Buti na lang. Baka parusahan nanaman tayo ni Coach." Natatawang sabi ni Bea.

"Oo nga. Pero hindi mo sinabi sakin na drag racer ka pala." Sabi ni Jho sabay irap.

Hawak kamay silang naglalakad papunta sa bench para ibaba yung gamit.

"Aw. I'm sorry, love. Ayoko kasi na parusahan tayo ni Coach."

"Oo na. Tara na. Warm up na tayo." Sabi ni Jho sabay ngiti kay Bea.

Damn. That smile that makes my heart weak.

Natapos ang training nila at lahat sila pagod. Lalo na yung mga pupunta ng Davao bukas.

Yes, bukas. Namove nanaman ang flight namin kasi may paparating daw atang bagyo mamayang hapon. Mahirap na kasi.

Lumapit si Bea kay Jho na nakikinig ng usapan nila Jia at Mich.

"Sure ka ba na hindi ka sasama, Ji?" Tanong ni Mich.

"Hindi. May thesis akong kailangan tapusin tsaka may date kami ni Miguel." Natatawang sagot ni Jia.

"Sige. Kung magbabago ang isip mo pumunta ka agad kay Coach Parley ha." Paalala ni Mich sabay tapik sa balikat ni Jia.

"Love." Bahagyang nagulat si Jho sa pagdating ni Bea. Tumingin siya ng masama kay Bea.

"Oh. Did I startled you?"

MiddleWhere stories live. Discover now