Jhoana
Naging maganda ang gising ko dahil sa mga nangyare kagabi. Kaso pag gising ko ay wala na si Bea sa kwarto namin. Yun pala ay nag prepare siya ng breakfast para sa team.
Syempre hindi pwedeng tahimik kami habang kumakain. Kanya kanya silang kwento kaya ang ingay talaga sa dining hall ng dahil samin. Pagkatapos naming kumain ay umakyat na kami para magayos para sa training.
Inaayos ko yung gamit namin ni Bea ng bigla siyang pumasok.
"Love, let's go na." Aniya.
"Wait lang. Ilalagay ko na lang yung shirt mo."
Napansin kong tahimik siya kaya lumingon ako para tignan siya kaso nakalabas na pala. Problema nun? Kanina pa siya ganyan eh.
Bumaba na ako at naabutan ko sila Jia sa hall.
"Ji, si Bea?" Tanong ko.
"Lumabas na eh. Baka inaantay ka." Tumango na lang ako at ngumiti.
Nakita ko siyang nasa loob ng kotse niya. Nilagay ko sa back seat yung bag ko bago sumakay sa passenger seat.
"Beatriz." Tawag ko. Lumingon naman siya sakin.
"May problema ba?"
"Wala, love. Masama lang gising ko." Sabi niya tapos humalik sa noo ko. Ngumiti siya kaya ngumiti na rin ako.
Habang nagd-drive siya papuntang BEG ay chineck ko yung phone ko. Nakita kong may 3 missed calls. Dalawa kay Ged na isa kagabi at isa ngayong umaga. Tapos yung isa kay mama na kagabi pa.
Wala sa sarili akong napatingin kay Bea. Kaya pala parang off siya?
"Hey, stop that." Natatawang sabi niya sakin.
Humalik ako sa pisngi niya kaya nagulat siya.
"Sorry." Sabi ko.
"Para saan?"
"Ged." Pagkasabi ko nun ay biglang nagbago ang mood niya.
"Yeah. That asshole." Gusto ko sanang matawa kaso masyadong seryoso si Bea.
Sasagot na sana ako kaso biglang kumatok si Mich sa bintana ng kotse. Binaba ko iyon at tumango sakanya.
"Wag mong isipin na galit ako sayo, love. I'm not, okay? Focus ka sa training next week na yung JAM." Sabi ni Bea at humalik sa noo ko. Kota ata ako sa halik niya ah?
"Tara na. I'm sure ayaw mo ng punishment." Aniya at ngumiti.
Lumabas siya at kinuha yung bag ko. Iisang bag lang kasi yung dala namin.
Napansin kong nandun si Coach Parley kaya nagtaka ako, minsan lang kasi siya pumunta ng training. Kapag may sasabihin lang.
"Oh, Jho, Bea. Tamang tama dating niyo. May sasabihin ako." Sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Bea.
"So, namove yung JAM. Bukas na kayo pupunta ng Davao. Finals niyo na pala next next week kaya kailangan nakauwi na kayo before nun."
"Hala."
"Ay oo nga pala."
"Aalis pa naman sana ako bukas."
Kanya kanyang rant sila kaya natawa ako.
"Anong oras flight namin, Coach?" Tanong ni Bea.
"6 PM. Para makapag prepare pa kayo."
Tumango si Bea bago bumaling sakin.
"Love, punta tayo Lipa mamaya? Date tayo." Tanong niya.
"Hmm. Sige. Text ko na lang si mama."
Nag paalam na si Coach Parley kaya nag training na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/85856185-288-k913552.jpg)
YOU ARE READING
Middle
Fanfiction"I'll promise to build a new world for us two. With you in the middle."