Chapter 5

3.9K 84 2
                                    

Bea

3 days na yung lumipas pero hindi pa ako nakakaamin sakanya. Ugh. Nahanap pa ako ng tyempo. Ready naman na ang lahat. Simula sa family ko syempre. Kinakabahan lang ako sa parents niya. Alam ko kasing ayaw nila sa ganun. At isa pa, nagkaroon ng lalaking ex si Jho. Alam nila na straight talaga siya. Madami akong iniisip netong mga nakaraang araw. Idagdag pa yung game bukas.

"Uy beh, lalim ng iniisip ah?" tawag ni Jho sakin. Nagpapahinga kasi kami dahil kakatapos lang ng training.

"Huh?"

"Wala. Ang ganda ko kako." sabi niya at tumawa.

"Lakas ng hangin, beh. Ramdam mo ba?" sabi ko at binelatan siya.

"Guys! Shower na! Magdi dinner daw tayo sabi ni Coach!" tawag ni ate Ly saamin.

Tumayo na ko at naglahad ng kamay kay Jho para makatayo din siya. Agad naman niyang kinuha yon at ipinagsalikop yung mga daliri namin. Ngumiti ako sakanya at kinuha yung gym bags namin. Nagisip isip ako habang naglalakad. Paano kaya kung bukas ako umamin? After ng game?

"Ano ba kasi yang iniisip mo, Beatriz? Kanina pa yan." sabi ni Jho at kumunot yung noo. Hindi ko kasi namalayan na nasa tapat na kami ng shower room.

"Ah. Wala hehe sorry." sabi ko at humalik sa noo niya. Tumango lang siya at nauna sa loob.

Nagtatampo nanaman. Pumasok na rin ako at nilapag yung bag para makapagshower na rin. Binilisan ko na lang para maabutan ko pa siya sa labas. Nung may narinig akong bumukas na cubicle, dali dali kong sinuot yung shirt at lumabas na. Nakita ko naman na kaming dalawa na lang.

"Uy. Sorry na." Medyo malayo ako sakanya. Baka saktan ako eh. Tuloy tuloy lang siya sa pag aayos ng gamit at hindi ako nililingon. Suyuan nanaman to for sure.

"Beh.."

"Jhoana.."

"Maraguinot.."

"Ano?" tanong niyang naka kunot noo.

"Sorry na kasi" sabi ko

"Ewan ko sayo." sabi niya. Magsasalita na sana ako kaso dumating si Ate Ells

"Hoy, kayong dalawa dyan. Ang tagal niyo. Bilis na at nagugutom na ako." sabi niya at lumabas na.

Hindi na nagsalita si Jho kaya nagayos na ako ng gamit. Ang awkward. Leche.

"Uhh. Akin na.." sabi ko at kinuha yung bag niya. Tumango lang siya at binigay sakin.

Nauna siyang maglakad. Nagtatampo pa rin? Isurprise ko kaya? Kinuha ko yung phone ko at tinext si ate Ells.

To: Ate Ella

Ateeee. Balik ka dito pls. Nagtatampo si Jho sakin. Isu surprise ko lang siya. Paki entertain naman oh? :(

Tinago ko yung phone at hinabol si Jho.

"Jho.. tumawag si mommy. Kailangan daw ako sa bahay. Hindi ako makakasama sa dinner with coach. Pero dadalin ko na tong bag mo. Sa dorm naman ako matutulog mamaya." sabi ko sakanya. Tumitig lang siya sakin saka ngumiti ng tipid.

"Sige. Ingat sa pagd drive." tumango ako sakanya at humalik sa noo. Itetext ko na lang kela ate Ella yung plano mamaya.

Jhoana

Naiinis pa rin ako kay Bea. Hindi malaman kung anong iniisip niya eh. Baka babae? Wag naman sana. Nandito pa rin kami sa BEG. Inaantay si Coach. Umupo muna kami.

"Anong problema mo?" tanong ni Ate Ells na busy sa phone.

"Wala."

"Sus. Ano nga?" ulit niya

MiddleWhere stories live. Discover now