Bea
Bigla na lang ako nagising ng marinig kong sigaw ng sigaw si Jho. Umupo ako at pinagmasdan siya. Teka nga. Nililigawan ko ba talaga to?
"Waaaah! Davaooo! Excited na kooo!"
"Ang aga mo mangising, Jho." Sabi ko habang kumakamot pa sa batok. Tumingin siya sakin.
"Nakaka excite kasi, beh! Hahahaha. Matutuwa shippers natin. Daming ganap eh."
"Sabagay. Pero kagabi ka pa ganyan, love. Tsaka next week pa yun!"
Hindi niya ko pinansin at nagpatuloy sa pag ayos ng gamit. Kumakanta kanta pa siya. Halatang good mood ah? Humarap ulit siya sakin tapos inabot yung damit ko.
"Oh. Go na dun. May training tayo, beh. Tapos na ko. Ayusin ko lang bag mo." Kinuha ko tapos ngumiti sakanya.
"I love you.." Sabi ko.
"I love you too. Dali na tayo na dyan."
Tumango na lang ako sakanya at pumunta na sa CR. Pagtapos ko, lumabas na ko kagad dahil kanina pa tawag ng tawag si Jho sa labas.
"Asan sila, beh?" Tanong ko nung napansin kong siya na lang nag aantay sa baba. Nag angat siya ng tingin sakin saka tumayo.
"Nauna na. Tagal mo eh." Sabi niya. Tumango na lang ako at inakbayan siya. Kinuha ko na rin yung bag niya at naglakad na kami palabas.
"Lakad lang ba tayo?" I asked. Tumigil kami saglit pero tumango siya kagad kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Baka kasi pagod pa dahil late na kami nakauwi kagabi. Nag UPTC kasi kami dahil dun sa pinangako kong libre kay Mich.
"Bat ba gustong gusto mo na naglalakad tayo, love?"
"Para matagal tayong magkasama. Ayaw mo ba?" Banat niya.
"Gusto. Pero ayoko namang napapagod ka. Papahirapan na nga tayo ni Coach sa training eh."
"Beh, ang OA. Ang lapit lang ng BEG oh!" Pag aapila niya pa.
"Whatever. Basta ayokong napapagod princess ko." Sabi ko tapos bumelat sakanya.
Nakita kong namula siya bago nag iwas ng tingin. Natawa ako kaya lumingon siya sakin.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?" Tanong niya sabay akmang hahampasin ako pero hinigpitan ko yung akbay ko.
"You're blushing kasi."
"Hindi ah! Ang init kaya!"
"Naks. Rosy cheeks."
"Tse!"
Kinurot ko na lang siya sa pisngi at hindi na nakipagtalo. Baka mapikon eh. Mahirap na. Hahahaha.
"Jho! Bea!" Natigilan ako sa pagharot kay Jho ng makasalubong namin si Ate Ly sa entrance ng gym.
"Ate Lyy!!"
"Phenom!"
Sabay naming sabi ni Jho tapos tumakbo sa kanya para yakapin.
"Miss na miss ako?" Natatawang tanong niya. Tumango ako ng parang bata kaya natawa siya.
"Kasama mo si Ate Ella?" Tanong ni Jho.
"Hindi eh. Busy daw siya. Nako, Jho ha! Si Ella talaga hinanap mo. Hindi mo ba ko namiss?" Biro ni Ate Ly sa kanya.
"Syempre namiss. Nagtampo ka naman agad, Ate! Hahahaha. Si Ate Den pala?"
"Hmm. Susunduin ko nga sana sa Med School niya kaya papalabas na ko."
"Ow. Hindi ka manonood ng training namin?" I asked.

YOU ARE READING
Middle
Fanfiction"I'll promise to build a new world for us two. With you in the middle."