Chapter 2

3.7K 91 2
                                    

Jhoana

Pagtapos namin kumain, nagvolunteer si Ponggay at Deanna na maghugas ng plato. Kami naman ay umakyat na para mag ayos para sa training. Shet. Nakaka excite talaga! Kailangan maayos ako kumilos mamaya. hihi

"Jho" tawag ni Bea. Aba, Jho na lang ha.

"Bakit? At anong 'Jho' lang? Hindi na 'beh'? Nagsasawa ka na ba sakin? Nako Beatriz sinasabi ko sayo ah!"

"Kumalma ka nga. Oh." sabay abot ng phone ko "Nagtext si Marci. Susunduin ka daw niya dito. Kaya mag ayos ka na." tapos dumiretso siya ng CR.

"Ang cold nanamaaan. Hay. Hindi ko talaga alam anong gusto niyang gawin sa buhay niya eh. Pag si Marci yung topic, laging iiwas." bulong ko nung nasiguro kong naliligo na siya.

"Nagseselos kasi, Jho"

Napalingon ako sa pinto. Nandun si ate Ells.

"Manhid ka kasi eh" Aba ako nanaman. Hinila ko siya palabas para hindi marinig ni Bea yung sermon sakin -_-

"Lagi na lang ba ako, ate? Inaamin ko nga sakanya na nagseselos ako sa mga babaeng nalapit sakanya tas siya tong hindi magsasabi sakin. Ang hirap niyang intindihin." sabi ko

"Sus. Alam mo naman hindi talaga nago open yan si Bea. Pag sa ibang bagay pwede pa. Pero sa feelings niya? Nako. Itatago niya lang yun hanggang kaya niya." paliwanag niya. Nagulat kami pareha ng biglang tumunog phone ko.

Marci <3 Calling...

"Ayaaan. May pa heart heart pa kasing nalalaman eh. Harot mo teh! Oh siya sagutin mo na yan." tumatawang sabi ni ate Ells sabay pasok sa kwarto nila. Kaya sinagot ko na yung tawag habang pabalik sa kwarto namin.

"Hello?" bungad ko

"Nasa baba na ko.."

"Sige. Paba--" OMG! Totoo ba tong nakikita ko? Si Bea, nakatapis lang ng tuwalya at parang may hinahanap sa bag niya. Nag angat siya ng tingin sakin.

"Oh Beh akala ko bumaba ka na kaya lumabas akong nakaganto. Tinatawag kasi kita. Sige bihis lang ako. Sorry." Luh bat siya nagsosorry? Shet speechless. ANG HOT.

"Hello, Jho?" ay may kausap pala ako HAHAHA

"Ahhh. Pababa na ko sige." nilagay ko na sa bag yung phone ko at kumatok sa banyo.

"Beh baba na ko. Nandyan na daw si Marci" paalam ko sakanya baka magtampo nanaman eh.

"Sige. Patapos na rin ako"

Bumaba na ko tapos naabutan ko sila Jia.

"Naks, Ju. Busy ka ata? Hindi pa ba kayo pupunta ng BEG?" tanong ko kasi talagang nakaupo lang sila dun. Hindi pa naliligo.

"Wala tayong training, Jho. May sakit daw si Coach Tai. Nagtext sakin. Magpahinga na lang muna daw tayo." sabi ni ate Ly.

"Ay ganun? Sige, ate. Salamat." tumango na lang siya at sumandal sa balikat ni ate Den. Lumabas ako para sabihin kay Marci na walang training at hihingi ng pasensya kasi kanina pa siya nag aantay.

"Uy, Marci! Wala daw pala kaming training. Sorry, naghintay ka pa tuloy."

"Ano ka ba, Jho. Okay lang. Baka pwede na lang tayo mamasyal? May sasabihin din kasi ako sayo" nahihiyang sabi niya. nakahawak pa sa batok. Cutie hahaha.

"Hala. Aalis kami nila ate Ells mamaya eh. Next time na lang. At ano pala yung sasabihin mo?" sayang naman! Date na sana eh. Chos!

"Ah.. Ano.. Liligawan sana kita.." hala ano daw? ligaw?

MiddleWhere stories live. Discover now