Bea
3 months na nakalipas simula nung umamin ako kay Jho. Maraming nangyari sa 2 months na yun. Grumaduate sila Ate Ly. Of course lahat kami nalungkot. Especially Jho, she's the closest kasi kay Ate Ella. Pero ang sabi naman nila, dadalaw sila sa dorm kung may free time. Yung game? We won. What do you expect. Hahahaha. Chos.
About sa parents ni Jho? We're okay now. Grabe yung pagpapahirap nila saakin nun. Hindi ko na ik kwento dahil past is past. Hahahaha. Worth it naman lahat kaya okay lang sakin. Hindi pa nga alam ni Jho na alam na ng parents niya. Ayaw kong sabihin sakanya dahil baka lumaki ang ulo at hindi ako ipaglaban. Jokey.
"Beh.." tawag ni Jho sakin.
"Po, love?"
"Hindi ka ba kinakabahan? Parang hindi ka manlang nate tense dyan." tanong niya.
Papunta kasi kami ng Batangas dahil nakapag decide siyang ipaalam na sa parents niya. Kung alam mo lang, Jhoana.
"Kinakabahan syempre. Kaso alam ko naman na hindi matatanggihan ni Tita ang charms ko. Ikaw nga eh-- Aray naman, love! Nagd drive ako oh!" sabi ko sabay himas sa braso kong kinurot niya.
"Nagawa mo pang gumanyan! Nakita mo ng hindi ako mapakali dito. Beatriz ha!" Pagbabanta niya sakin.
"What? I'm just telling the truth." Tumingin ako sakanya dahil saktong nag red light.
"Relax ka lang, love. We got this." sabi ko ulit at hinawakan yung kamay niya. Tumango lang siya kaya nagdrive na ko ulit.
Kinakabahan talaga siya. Hahaha. Naisipan kong dumaan muna kami sa mall para bilhan ko siya ng fries at chocolates. Maaga pa naman.
"Anong gagawin natin dito, Beatriz?" Tanong niya nung nakita niyang lumiko ako sa parking ng mall.
"May bibilhin ako. Gusto mo bang sumama? O hintayin mo na lang ako dito?" Tanong ko.
"Ano bang bibilhin mo?"
"Pizza sana or cake para kela Tita Lovel.."
"Wag na, beh. Naghanda sila mama dun sa bahay." Pagpigil niya sakin.
"Andito na tayo, love. Tsaka kailangan ko magpalakas no. Hahahaha." Sabi ko. Hinampas niya ko.
"Gaga ka talaga! Akala ko ba madadaan mo sila sa charms mo?!" nakakunot noo niyang singhal sakin.
"Syempre iba pa rin pag may ganito. Ano ka ba naman, Jho. Siguro walang sweet bones sa katawan yung ex mo kaya ganyan ka. Hahahaha--Aray! Nakakarami ka na ah!" sabi ko dahil hinampas nanaman niya ko. Brutal talaga.
"Ewan ko sayo. Sige na, hindi na ko sasama. Bilisan mo ah."
Tumango ako at lumabas na. Hindi pa ko masyadong nakakalayo pero parang may nakalimutan ata ako. Bumalik ako agad sa kotse. Sa bintana ni Jho ako pumunta.
"Oh ano? Nagbago na ba isip mo?" Tanong niya nung binuksan ko yung pinto.
"May nakalimutan ako, love."
"Ano nanaman?" Aniya kaya lumapit ako para bumulong.
"I love you.." sabi ko at humalik sa pisngi niya. Dali dali kong sinarhan yung pinto dahil baka mahampas nanaman ako. Mahirap na.
Tatawa tawa akong pumasok ng mall dahil naisahan ko nanaman si Jho. Hahahaha. Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko kaya agad kong kinuha.
From: Love 💓
Yari ka sakin mamaya, Beatriz!
Lalo akong natawa sa text niya. Mawawala lahat ng inis mo sakin mamaya, Jho. Hahaha. Hindi na lang ako nagreply dahil matatagalan ako. Nakakahiya naman kela Tita.

YOU ARE READING
Middle
Fanfiction"I'll promise to build a new world for us two. With you in the middle."