The Bomb

10 1 0
                                    

Niel's POV.

Kung itatanong niyo kung saang lupalop ako ng mansyon napunta Ito lang ang masasabi ko.

Naliligaw ako. -_-#

Bakit ako naligaw? Bahay naman namin to. Kainis kasi yung Nyx na yun eh! Magpagawa daw ba naman ng garden maze. Hindi ka kaya maligaw. Likot din kasi ng utak nun eh liko-liko ang takbo.

Buti nga pinatulan pa ng best friend ko yun eh. Pero ang problema nga lang hindi nila alam na parehas lang pala nararamdaman nila. Tsk! Kasalan nila yun. Basta alam ko gwapo lang ako na nagmamahal ng isang sadistang kagaya nya. Hayss.

"Nasaan na ba kasi ako? Naman oh!" Inis kong bulong. Nababanas na ako ah. Hindi porket may pagkatakot ako sa dilim pagtitripan nyo nako. Gwapo parin ako kahit ganito ako katakot! Nyah!

*swish* *swoosh* *swish* *swoosh*

"S-sino yan?!" Sigaw ko.

Mabuti na lang medyo maliwanag dito sa maze kaya nakakakita pa ako kahit papaano.

"Kambs! Kambs! Yuhoo! Nandyan ka ba?!" Sigaw nya mula sa malayo. Kilala ko yung boses na yun di ako pwedeng magkamali. Si Nyx yun.

"Nyx! Nandito ako!" Sigaw ko sakanya.

"Okay sige wag ka munang lumapit sa sunflower hedge na malapit sayo!" Sigaw ulit nya.

Masunurin akong tao kaya sinunod ko ang gusto nya at unti unting bumababa lahat ng sunflower hedges sa buong garden maze.

"Woah! Ang astig!" Manghang bulong ko.

"Galing no? Hahaha!" Pagmamayabang nya.

"Oo na lang..." parang wala lang na sagot ko pero ang totoo namangha talaga ako.

... after some time...

Nakaalis na ako dun sa magulong maze nung busit kong kakambal.

Ang mechanism pala ng maze na yun masyadong komplikado dahil kada 30 mins. Nagpapalit sya ng itsura ng hindi napapansin ng nandoon. May pattern na sinusunod yun, and that's the initial of our names. N.A. Galing diba? Si Kambs nakaisip nun eh. Para daw kung may mag-espiya sa amin mahuhuli namin kaagad. May naka-install din na CCTV's doon for our security. Mahirap na sama-sama pa naman ngayon dito sa bahay 'KO' ang lahat ng gangs namin.

"Niel, bakit ka ba napadpad sa maze? Buti na lang chineck ni Heron yung CCTV." Sabi nya.

"Magpapahangin lang naman ako doon sa maze eh. Malay ko bang ganon yung system nun." Sagot ko sakanya.

"Oo nga no?" Sabi nya.

Siraulo talaga sya. Minsan nga akala ko nasisiraan na sya eh.

"Baliw." Bulong ko na lang.

"Hah? May sinasabi ka ba?" Tanong nya.

"Wala. Wala." Sagot ko na lang.

Ano kayang iniisip nya? Ang lalim masyado eh. Hayss.

"Masters, Nandyan na po ang bisita ninyo." Biglang sulpot ni Butler Smith. Kanina pa to eh. Kahit na kaedad lang yan ni Guian akala mo masyado ng matanda kung magsalita.

"Sino dun?" Tanong ko bigla. Malay ko ba kung si Sir Alexei ba yun o yung busit na Liam na yun.

"Si Mr. Arcillo po." Magalang nitong tugon.

"Alam mo, Smith masyado kang pormal. Hello? Halos magkakaedad lang tayo dito." Sarkastikong sabi ni Nyx. Sabi na nga ba may sira nanaman tuktok nito eh. Bigla na lang nagsalita.

"Masters ko po kayo kaya dapat lang na maging pormal ako." Sagot naman nito.

"Pwes! Aalisan kita ng trabaho kung hindi mo yun babaguhin." Banta nya dito.

"Makakaasa po kayong susubukan ko." Sagot nito.

"Mabuti kung ganon. Galingan mo ah!" Nakangiting tugon nya Kay Smith tsaka naunang maglakad.

"Kung ako sayo susundin ko gusto nya. Siya may hawak ng mga employee's list eh." Sabi ko sakanya tsaka ko tinapik ang balikat niya bago ako tuluyang umalis.

...

Nasaan sila? Ang tahimik naman yata ng bahay?

"What?! No! Dad! Ayoko! Hindi ko sya papakasalan! Bakit ba hirap na hirap kang tanggapin yun?!" Rinig kong sigaw mula sa isang room dito. To be exact... Gianni and Guian's room.

"Kung ganon... kailangan nyang patunayan na karapat-dapat sya sayo, Gianni. Tandaan mo hawak ko ang buhay nya." Baritonong Sagot ng lalaki.

"Alam ko! Kaya nga pabayaan mo na kami!" Sigaw ulit nya.

"Patunayan nya muna na karapat-dapat sya." Sagot ng lalaki sakanya.

"Matagal na nyang napatunayan, Dad! Kaya nga si---" Hindi ko na narinig lahat dahil may humila sa akin.

Si Blue pala. Nag-motion sya na wag akong mag-ingay tsaka kami nagpunta sa conference room.

Pagkabukas ng pinto ingay nila ang narinig ko.

"Nasan na ba yung Anghel na galing underworld?" Rinig kong Sabi ni Harris. Gagong yun ah. Hindi ako galing dun no sa mount Olympus kaya.

"Gago! Pag narinig ka nun papapasukin ka nun sa maze nung kakambal nyang galing din dun." Sabi naman ni Maxwell.

"Mga Gago! Parehas nila kayong ilalagay dun!" Sigaw ni Ford sakanila tsaka ako tiningnan. Aba haba ng sinabi ah. Himala!

"Naku patay!" Bulong nilang dalawa.

Sinenyasan ko naman si Kambs na lumapit.

"Kambs! Patikimin mo nga yung dalawa mamaya pagkatapos ng meeting natin." Sabi ko sakanya.

"Sige ba! Kanina pa yan eh. Dapat nga kanina pa nandun yung dalawang yun eh kaso nga lang sayong member naman yan kaya wala akong magagawa dyan." Sabi nya.

Nakita ko namang nakakapit na sa lamesa yung dalawa at hindi gumagalaw. Nasiraan na yata.

Hahaha! Ganyan nga matakot kayo! Hindi niyo kilala ang kinakalaban niyo.

"Niel, nandito na sya." Bulong ni Heron.

"Sino?" Takang tanong ko.

"Si Liam." Sagot niya kaya naman napalingon ako sa pinto.

Nandito na sila ang Devil's Asylum Gang.

... and cut! ...

A/N: okay sige? Nagustuhan nyo po ba? Pasuspense muna ako ah... Hahaha! Namiss ko po kasi eh.

BTW highway! Kamusta po ang sembreak? Yiee! Maraming puyat kakabasa no? Haha!

Kidding aside... thank you for supporting this story...

Please do vote and comment!

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon