Explanation

2 1 0
                                    

Gianni's POV.

I would be lying if I'm going to tell you, that nothing happened between us. Of course, something happened! Dammit! I can't even think right after what happened. Now? What am I gonna do? He just popped my cherry! In other words, he got my V-Card! Darn!

"Cupcake..." Shet! Ang husky ng boses niya!

"Ano ba? May sasabihin ka ba?" Walang ganang tanong ko. Nakakainis kasi eh!

"Cupcake, gusto ko lang naman kasi talagang sabihin na sorry..." huminto siya sa pagsasalita.

Sorry dahil siya ang nakauna sakin? Inamers! Kung yun lang pala ang sasabihin niya mas mabuti pang wag na lang niya ituloy!

"Sorry, dahil naging marupok ako at may nangyari sa atin ngayon." Sinasabi ko na nga ba!

Walang gana akong tumayo at dumiretso sa closet. Kumuha ako ng isang oversized T-shirt na kulay itim at isang boxer. Tumingin ako sakanya at nakita kong nagsusumamo ang kanyang mga mata. Nasabi na niya ang dapat niyang sabihin diba? Ano pa ba ang kailangan kong marinig mula sakanya? Mga kasinungalingan? Dahil alam kong doon siya magaling.

"Cupcake, please, makinig ka muna sa akin. Please? Hindi ko na kayang mawala ka eh. Nahihirapan ako. Nasasaktan ako. Naiirita ako. Bakit kasi kailangan pang mangyari yon? Nahihirapan ako. Kasi kapag nagkamali ako ng desisyon hindi lang ikaw ang mapapahamak pati ang pamilya ko, ang Mafia house, ang gang, at kahit ako walang ligtas sa kapahamakan na yon. Kaya sana makinig ka muna sa akin. Para magkaliwanagan na tayo."

Napabuntong hininga ako at nilingon ko siya. Paano kung masaktan lang ulit ako? Ayoko na, nakakasawa na ang masaktan. Baka kapag nasaktan pa ako. Umurong na lang ako sa laban na to at hahayaan ang sarili kong magdusa basta't hindi na ganoon kasakit. Hindi kagaya ng nangyayari ngayon. Sa sobrang sakit buhay pa ako para na akong unti-unting nilalason ng kasamaang ito.

"Ano pa ba kasi ang sasabihin mo? Nahihirapan din naman ako eh. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na kailangan ko ng talikuran ang lahat para lang sayo. Hindi ko alam kung kaya ko bang manindigan sa gagawin kong desisyon lalo na't alam kong masasaktan tayo pareho. Hindi ko kayang gumawa ng tama, kahit nga mali hindi ko magawa. Kasi nga wala naman talaga akong magagawa." Bumuhos ang luha ko ng walang patid. Tumayo siya at humarap sa akin.

"Shh... tahan na. Alam kong simula pa lang may problema na tayo pero nandito lang ako. Handa akong mamatay para sayo. Gaya nga ng sabi nila I would take a bullet for you. Kasi ganon kita kamahal, kaya kong mawala sakin pati ang mga ipapamana sa akin nila mom. Kaya kong talikuran ang gang, ang Mafia para sayo. Kaya sana pakinggan mo ako. Kasi hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mawala ka sakin." Tinuyo niya ang mga luha ko. Please sana tama ang maging desisyon ko.

Maniniwala ba ako? O hindi? Bakit ba kasi ang hirap na magtiwala? Bakit ang hirap magdesisyon? Ayoko na ng ganito. Mahirap sabihin ang lahat. Masakit isiping hindi ko siya magagawang pagkatiwalaan, sa ngayon. Nahihirapan ako ng sobra sobra.

"Cookie, please, wag na wag mo akong iiwan. Please..." sana tama ang naging desisyon ko. Sana...

...

Third person's POV.

Hindi na alam ni Gianni ang tama sa mali. Basta ang alam lang niya hindi na niya kayang pigilan ang kung ano mang nabubuo sa sistema niya.

"Cookie, pwede bang ipaliwanag mo na kung ano talagang nangyari?" Tanong nito sa kasintahan. Katatapos lang ng mainit nilang sesyon at seryoso siyang tiningnan nito habang ginagawa nila ang bagay na yon.

A/n: Pasensya na po at walang BS. Inosente po ako eh. Dejk! Ano po kasi... hindi po ako marunong gumawa non. Kaya ayun! Hahahaha! Magbasa na nga kayo.

"Hmm... basta ba mamaya na lang yung mga side-comments mo. Pwede naman." Sagot nito.

"Ganito kasi yon, paano ko ba sisimulan?" Napabuga ito ng hangin. Kating-kati na ang dila niya na mamilosopo pero pinigilan muna niya ang sarili niya.

"Tumawag ang isang unknown number sa akin. Na nagsasabing kapag hindi kita hiniwalayan, may mangyayaring masama kay Nyx. Ako naman itong tanga um-oo kaagad kasi natakot ako na baka kung anong gawin nila sa kapatid ko. Mahal ko yun eh. Siya na lang ang natitirang alaala ko kay Mommy. Magmula noong araw na nawala siya palagi na lang kaming hindi maka-usap ng maayos. Para kaming mga robot na walang pakiramdam. Alam mo ba muntik na kaming maging baliw? Nakakatawa lang na ng dahil sa iyo kaya ako nakakapagsalita ngayon. Si Nyx naman... nakilala niya si Heron. Magmula noon hindi na sila mapaghiwalay. Nalaman ko na lang na nakakapagsalita na siya." Tumulo ang mga luha nitong kanina pa nagbabadya.

"Akala ko, kapag sinunod ko yung gusto ng kung sino mang puta-gina na yun, maliligtas ang kapatid ko pero hindi eh. Kasi pagdating niya sa inyo noong nakabalik siya ang dami niyang pasa. At may nagsend sa akin ng note na kulay dugo ang sulat. Noong ipa-check ko kay Blue. Dugo ng kapatid ko yung ginamit niya. Ang nakasulat ay binary code. Medyo natagalan kami ng konti dahil sa napaka blurry ng ibang parts pero ng i-scan na namin ganito yung lumabas," huminto ito at ipinakita sakanya ang isang litrato.

Napaawang ang bibig niya ng makita ito. Dapat masanay na siya sa ganitong mga tanawin pero hanggang ngayon hindi parin niya yun makayanan. Kahit na minsan ay siya mismo ang may gawa ng mga ganoong mga bagay hindi parin maatim ng sikmura niya.

"Kung ganon? Dahil dito, kaya mo ako hiniwalayan?" Tumango ito sa dalaga. Napakurap siya ng ilang beses at napaluha. Ang bagay na yun ay hindi biro.

A/n: Ihahabol ko na lang po next chapter yung nakalagay sa picture. Ita-type ko pa po eh. Matagal din yun.

Hindi alam ni Gianni kung ano ang gagawin niya para lang maayos ang problema nila. Inosente ang madadamay sa maling desisyon nila. Isang inosenteng buhay ang mawawala sa maling gagawin nila.

"Cookie, nakapag-desisyon na ako." Tumingin siya sa binata.

Ito ang tama. At dapat nila yung gawin. At higit sa lahat kailangan niya yung tanggapin. Kung hindi may madadamay nanaman.

...

A/n: I'm just wondering... may magagawa pa ba ako? Haist! Lokong lalaki yun! Sarap itali sa puno na bahay ng mga hantik! Naku talaga! Kung hindi lang kita mahal baka namumula ka na... hindi dahil sa kilig kundi dahil sa mga pantal sa buong katawan mo. Bwisit ka! Haist! Bahala ka sa buhay mo! Magsama kayo ng bagong friend mo kuno! Bwisit!

Okay guys! Wag pansinin so Author, napagsalitaan nanaman kasi ng masama eh. Sareh!

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon