Should or Shouldn't?

7 0 0
                                    

May surprise sa dulo. Bwahaha! Kung gusto niyo basahin yun. Basahin niyo lahat. Hahaha! Enjoy reading this special update.

...

Niel's POV.

Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung sinabi ni Harris. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko na sakanya o hahayaan ko na lang kasi baka mabigla siya. Kaso ang tanga ko naman kung ganon diba?

"Niel, lalim naman ng iniisip mo. Baka malunod ka niyan?" Natatawang sabi ni Leo.

"Alam mo kung nakakalunod yon. Edi sana kasama ko na ngayon yung asawa mong pinaglihi sa encyclopedia." Angil ko sakanya.

"Aish! Alam kong pinaglihi sa encyclopedia yon. Wag mo ng ipaalala sakin at baka magtanong nanaman yon ng meaning ng ganito ganyan. Parang noong minsan tinanong ano meaning ng 'levy'." Sabi niya at napatawa naman ako.

"Oh, eh ano ba kasi meaning?" Tanong ko naman.

Nagdilim naman yung mukha niya kaya lalo akong natawa.

"Kainis! Yun na nga eh. Hindi ko nasagot kaya sa sofa ako natulog." Sagot niya.

Kawawa naman pala ang isang to. Tsk!

"Ito kasi meaning non. Levy - an amount of money that must be paid and that is collected by a government or other authority." Natatawang sagot ko sakanya.

"In other words, TAX." Biglang sabi naman ni Alcyone.

"Beh, kanina ka pa diyan?" Tanong ni Leo. Aish! Under da saya, ang loko!

"Kadarating ko lang. Tsaka nga pala, bili ka naman ng strawberries oh. Gusto ko yung hilaw. Tsaka isang bote ng Hershey's chocolate syrup." Sabi lang nito.

"Buntis ba tong asawa mo o trip niya lang talagang kumain ng ganyan?" Tanong ko.

"Ewan ko ba diyan. Ayaw naman mag-pa-check up." Sagot lang nito at umalis na para bilhin yung pinabibili ni Alcyone.

...

"Alam mo Niel. Kung may problema ka, sabihin mo lang dadamayan kita. Ngayon lang ulit tayo magkakausap." Biglang usal ni Guian.

"Alam mo bang isa ka sa pinoproblema ko?" Sagot ko sakanya.

"Ano nanaman ba ang ginawa ko sayo?" Tanong niya.

"Nakalimutan mo na bang hindi ka pa nagkukuwento tungkol sa nangyari sayo. Apat na taon na ang nakakalipas." Sagot ko sakanya.

"Ah, yun ba? Pwede bang wag muna natin problemahin yon? Next chapter na yung drama ko. Yung sa inyo muna." Sagot lang niya sakin. Siraulo anong next chapter? Tingin niya sa buhay ko? Nobela? Pero hindi nga? Pwede rin naman. Pang-MMK.

"Kitams! May umu-usbong na ideya sa utak mo. Hoy, Niel! Ipapaalala ko lang sayo. Kapatid ko ang pinag-uusapan dito. At kapatid din kita." Sabi nito sakin.

"Alam mo bang magkapatid tayo sa ina?" Naitanong ko.

"Tatlong taon na ang nakakalipas mula noong malaman ko. Dinala ako ni Liam sa bahay na ito. Yun yung araw na ipinanganak ni Eris ang anak namin." Tumingin ito sakin.

"Tsaka nga pala, nasaan si Eris?" Tanong niya na ikinabigla ko.

Hindi ba niya alam ang nangyari kay Eris? Wala bang nagsabi sakanya?

"Hindi mo ba alam?" Naisatinig ko.

"Ang alin?" Naguguluhan niyang tanong.

"Wala na si Eris, Guian. Namatay siya pagkapanganak kay Nero." Nasabi ko na lang.

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon