D.A's Note(Part 1)

17 1 0
                                    

Niel's POV.

Akalain mo yun? Isang buwan na rin pala? Akala ko bago pa umabot ang ilang araw sumuko na ako. Kaso nga lang dahil sa nalaman ko. Mas naging determinado ako.

Ang mabuti pa puntahan ko na sila para makapasok na kami. Miss ko na rin mag-aral no!

"Smith, gisingin mo na silang lahat. Hah?" Napangisi ulit ako.

Tumango lang sya at ako naman hinanda na ang sarili para sa pagpindot ng fire alarm. Hahaha! Masaya to. *smirk*

"1... 2... 3..." bulong ko. At biglang...








"SUNOG! SUNOG! MGA MASTER! MAY SUNOG!" Sigaw yan ni Smith. Nyahaha!

*Wang* *Wang* *Wang*
(A/n: tunog po yan ng fire alarm hah? Hehehe~ di ko po alam yung tunog nun eh.)

"SUNOG! SUNOG! NASUSUNOG YUNG MANSYON!" Sumisigaw na sabi ni Maxwell. Gago talaga ang putspa!

"Nasan?! Nasan yung sunog?!" Patanong na sigaw ni Eric. Ibang iba talaga to sa kapatid nya. Si Asul/Blue kasi maswerte ka na kung makakausap mo sya ng matagal dahil sa sobrang tahimik nya.

"Waaaahhhh!!! Mommy!! SUNOG!" Tumatakbong sigaw ni Rio. Halos madapa na sya sa kakatakbo.

"Linshak naman oh! Asan yung sunog?! Bakit Hindi nyo patayin?!" Nanggagalaiting sigaw ni Porsche.

"Mga engot! Di nyo ba alam na pinagtitripan lang kayo ni Kuya?!" Pasigaw na tanong ni Magenta.

Siya ang aming baby girl. Adopted siya. Kasi nga nakita namin sya sa ampunan noong mga 7 palang kami ni Kambs. At nasa 5 na sya noon. Nakalaro namin sya at hindi na humiwalay samin kahit anong hatak nila kaya ayun. Konting pa-cute lang naman ang kailangan kaya namin sila napapayag eh.

"Bwahahahahaha! Pfft!--- Mga itsura nyo kanina habang pababa kitang kita dito oh!" Sigaw ko habang hawak ang video cam ko.

Napatingin silang lahat sakin at...

"P*TA! NIEL, HALOS MAMATAY KAMI SA KAKAHANAP NG SUNOG TAPOS JOKE LANG PALA?!" Sigaw ni Ford. Yup! Siya nga.

"TANG*NA! Gago ka Niel. Alam mo namang buntis yung pinsan mo eh! Paano pag may nangyari dito?!" Hysterical na sigaw ni Guian.

*BANG!* *BANG!*

Lahat kami walang imik dahil sa nagpaputok ng baril. Napatingin naman kaming lahat sa nagpaputok at tama nga ang hinala namin.

Si Gianni.

"Hoy! Sa Anghel pa man din nanggaling yang pangalan mo TAPOS ganito pa gagawin mo?!" Sigaw nya sakin.

"Ah-eh--" utal kong sagot.

"Ano?! Gago ka talaga! Pagbilang ko ng tatlo tumakbo ka na..." banta nya.

"Isa... dalawa... tatlo..." bilang nya at...





"WAAAAHHHH!!!!! MOMMMYYY!!! AYOKO PA PONG MAMATAY!" Sigaw ko habang tumatakbo ng sobrang bilis.

"NIEL! TAKBO LANG ALAM MONG MAHAHABOL KITA KAHIT SAAN KA PA PUMUNTA!" Ayoko! Mommy! Kahit sa banyo ako magtago.

Naalala ko tuloy bigla dati kasi nagalit siya sakin kasi nga inubos ko yung Potchi niya. Isip bata pa siya noon tapos noong nalaman niya na naubos ko na. Hinabol niya ako ng may hawak na katana sa kanang kamay at may isang *gulp* shuriken sa kaliwa.

Nagtago ako sa banyo at alam kong nakita nya ako noong pumasok ako dun tapos bigla na lang may tumamang shuriken sa pinto at isinaksak niya yung katana. Takot na Takot ako kaya magmula noon Hindi ko na sya ginalit kaso nga lang eto nanaman ako at ginalit sya. I started the fire so I should be the one to stop it.

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon