Breakfast

4 0 0
                                    

Niel's POV.

Nagising ako dahil sa mahinang tawa ng mga bata at ni Gianni.

Teka? Si Gianni.

"Hmm," Mahinang ungol ko.

"Dada, wake up already!" Sigaw ni Nero sabay dagan sakin. Ang bigat!

Napadilat ako at doon ko lang napansin na nasa harap ko na pala silang lahat. May hawak na camera at naka-video kaming lima.

"Mga walangya kayo! Magsilayas nga kayo!" Sigaw ko sakanila.

"Ang kj mo naman! Bayad mo na lang to sa ginawa mong kalokohan 5 years ago. Ngayong araw din yun ah." Sabi Harris. Abay mga siraulo talaga.

"Matanda ka na talaga Harris. Nagbabalik-tanaw ka na sa mga nangyari sa buhay mo." Pang-iinis ni Eric.

Mga siraulo, magbabangayan pa sa harap ko.

"Manahimik kang ugok ka kung ayaw mong humiga sa lupa mamaya." Banta niya dito.

Mga isip bata.

"Umalis na nga kayo. Ano ba kailangan niyo?" Inis na tanong ko.

"Nyx, huy! Ano daw kailangan natin." Bulong ni Chloe kay Nyx, rinig ko naman.

"Niel, mag-usap tayo sa labas ngayon na." Seryosong sabi niya.

Ano to? Aish! Bossy as always.

"Fine, Nyx." I answered.

As I stepped out. I received her million dollar question.

"Ikaw ba ang ama ng mga batang yun, Niel. Answer me." She asked.

I can't help but sigh. "The truth is, I don't know if I am. You see, she has amnesia. Nyx, kahit ako yun din ang tanong. Anak ko ba sila? Ano ang nangyari kay Gianni sa loob ng mga taong wala siya sa tabi ko? Nyx, hindi ko na alam ang totoo sa hindi. Hindi ko na alam." Sagot ko sakanya.

"Kung ganon, ako ang gagawa ng paraan, Niel. Hindi pwedeng ganito na lang lagi. Masyado na tayong maraming bagay na hindi maintindihan sa lahat ng ito. Natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari sayo. Kasi Ate mo ako eh. Kapatid kita. Nahihirapan din naman ako sa nangyayari sayo." Sabi niya. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak sa balikat niya at sabihin lahat ng sama ng loob ko.

"Ate, Kuya," tawag ni Magenta.

"Bakit?" Tanong ni Nyx.

"Pwede bang maki-join?" Tanong niya na nagpatawa sa amin.

"Sus! Ang bunso talaga namin, oo. Lika nga dito." Sabi ko at inaya siya.

"Group hug!" Sigaw niya at nagyakapan lang kaming tatlo. Na-miss ko yung ganito kami. Kahit na marami kaming problema sa kanya-kanya naming buhay. Nandito pa rin kami para sa bawat isa.

"I love you, guys." Bulong ko sakanila.

"We love you too, bro." Sagot nila sakin.

"So, Nyx ano bang plano mo?" Tanong ko.

"Ako na ang bahala." Sabi lang nito.

Ano naman kayang kalokohan ang binabalak nito? Aish! Nyx!

Matapos ang tagpo kanina pumasok ulit ako sa kwarto at binihisan si Nero. Kagabi kasi bumili rin kami ng damit para sa mga bata.

"Nero, tapos ka na ba?" Tanong ko dito.

"Malapit na po!" Sigaw niya.

"Kapag tapos ka na, bumaba ka na okay?" Sabi ko lang at lumabas na para makapaghanda na ako.

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon