Cookie & Cupcake

2 0 0
                                    

Niel's POV.

Matapos ng nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano ko ipapaalala sakanya ang lahat?

Napatingin ako ng biglang gumalaw siya sa gilid ko.

"Good morning, Niel." Bulong niya.

"Good morning, sweetie." Bulong ko rin at hinagkan siya.

"Halika na, let's have some breakfast then kakausapin natin ang mga dukes." Sabi ko sakanya.

Tumayo naman siya at napansin kong medyo namutla siya.

"Are you okay?" Tanong ko. Sasagot na sana siya pero bigla siyang tumakbo papuntang banyo.

Sinundan ko siya at nakita kong nakaluhod siya sa bowl at sumusuka ng laway.

"Ayos ka lang ba? Gianni?" Alalang tanong ko.

"Yea..." huminga siya  ng malalim. Sa totoo lang, nag-aalala na ako sakanya.

"Do you want to see a doctor?" Tanong ko.

"Nah. I'm fine." Sabi lang niya at tumayo na.

Lumabas muna ako sa banyo at hinintay na lang siyang makalabas. Haist!

"Lets go?" Tanong ko. Inalalayan ko naman siya pagkalabas niya.

"Niel, can I borrow your phone?" She asked.

"Sure," sagot ko lang.

Kinuha niya ang phone ko at naglakad palayo. Inabot siguro ng mga 30 mins. bago siya matapos.

Napansin ko sa mukha niya ang frustration. Pero para saan?

"Here, thanks." Sabi niya at iniabot ang phone sakin.

"Tara na ba?" Tanong ko sakanya.

Tumango lang siya at naka-kunot ang noong naglakad. Habang naglalakad kami napansin ko si Smith at Parnell. Nakatayo lang sila na para bang may hinihintay na lang silang mangyari.

"Ahchoo!" Napatingin ako kay Gianni.

"Why?" Umiling lang siya sakin.

"Niel..." tawag niya.

Tumingin ako sakanya at napansin ko ang pamumutla niya.

"May masakit ba sa iyo?" Tanong ko.

"Niel..." at bigla na lang siya nawalan ng malay.

Kung hindi ko siguro siya nahawakan at nasalo baka nabagok na ang ulo niya.

"Smith, Parnell, bilisan niyo yung kotse ihanda niyo na." Utos ko at binuhat na si Gianni.

Fuck! Gianni ano bang nangyari sayo?

"Young Master, ako na po ang mag-mamaneho. Alalayan niyo na lang po si miss Gianni." Tinanguan ko lang siya at nagmamadali akong ibaba siya sa hagdan.

"What happened to her?" Rinig kong tanong ng isang duchess.

Nakarinig na ako ng mga bulungan sa kanila.

Inutusan ko si Parnell na siya na muna ang bahala sa mga duke at duchess.

"Dukes and Duchesses, I'm here to announce that our queen passed out a while ago. So we are all expecting you to keep calm and just wait for her to regain consciousness---" Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin dahil sa pagmamadali ko.

Habang nasa daan kami lahat na yata ng dasal, nadasal ko. Lahat na rin ng santo nadasalan ko.

"Young Master, nandito na po tayo." Napansin kong nakahinto na kami kaya dali-dali ko siyang binuhat palabas.

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon