Kidnapped

4 2 2
                                    

Gianni's POV.

Matapos ng pag-uusap namin. Bumalik ako sa loob. Dumiretso ako sa comfort room para takpan yung maga kong mata. Wengyang lalaki yun! Papatayin ko talaga yun!

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at you know na... hahaha!

"Girl! Ano na? Nagkiss na kayo?" Rinig kong tili sa labas. Mga putspang babae to oo!

Isinuot ko yung mask ko tsaka ako lumabas. Alam kong si Niel ang pinag-uusapan nila. Duh! Makakalbo ko ang lalaking yun pag nagpa-halik siya sa hipon nato!

"Actually, Hindi pa nga eh. Pero I'm waiting." Sabi naman ng hipon. In your dreams shrimp!

Sabunutan ko na kaya? Assuming eh.

"Oops! Sorry." Maarte kong sabi dahil nabunggo ko siya---ay mali pala. Dahil binunggo ko siya, kaya ayun kumalat ang lipstick niyang galing sa divisoria.

"Girl, patulan ko na?" Sabi noong kasama niya.

"Wag na, tandaan mo magagalit si Lima kapag may ginawa tayong hindi naaayon sa plano niya." Alam kaya nilang nakikinig ako? O tingin nila hindi ko sila naiintindihan? Psh! Mangarap ka lang hipon. Sa susunod na makita kitang pinagpapantasiyahan ang AKIN sinisigurado kong hindi mo magugustuhan.

*kring* *kri-*

"Yes, hello? What do you need?" I asked coldly.

[So you do know me? That's impressive.] She laughed.

"I don't care, who are you anyway?"

[Let's just say that I'm your guardian angel and guardian devil at the same time.]

"You're totally insane."

[Yes, yes I am.]

Then she ended the call. I know that she's a girl. I heard her voice from somewhere, but the question is... where?

I left the comfort room without glancing at the seafood beside me.

As soon as I reached my destination, a man snatched me from the arm and made me smell something. I tried so hard not to smell it, but to no avail. I fell into a deep slumber. Tell me, did I do something wrong?

...

Madilim, tahimik. Tipikal na setting kung nakidnap ka. Kaso ang problema... nakidnap nga ba ako?

Hindi ako nakatali, walang mga bantay, maliwanag, medyo maingay, at malambot yung kama.

Tumayo ako at tumalon talon. Wala namang makakakita diba? Sige lang, Gianni. Umasa ka lang...

Lokong utak to ah. Bully.

Nagulat ako noong bumukas yung pinto at pumasok ang isang babae. Aray! Masakit sa likod. Ikaw kaya malaglag sa sahig na mas matigas pa sa mukha niya. Okay, ang bitter ko na!

"Miss, okay lang po ba kayo?" Tanong nito. Hindi ba dapat kapag nakikidnap walang paki sayo yung mga tauhan? Asan ba kasi talaga ako? My goodness!

"Ayos lang." Sagot ko na lang.

"Ahm... miss, kung ayos na po kayo. Pwede po bang sumama kayo sakin pababa?" Tanong nito.

"Sure, why not?" I said and walked towards her. She stood frozen then looked at me. What? May masama ba sa pagsama ng walang pilitan? Nagugutom ako eh.

Lumabas kami at bumungad sa akin ang isang hall kung saan puro mga kwarto. Ano ba itong pinagdalhan sakin? Dormitory?

"Miss, wag po kayong lalayo. Baka po mawala kayo mapatay ako ni young master." Sabi nito habang naglalakad parin.

"May tanong lang ako. If you wouldn't mind." Nasabi ko na lang.

"Anything, miss. As long as, hindi ako mapapagalitan." Ngumiti ito sakin.

"Bakit ako nandito? Sino si young master? Kailan pa ako napunta dito? At nasaan ako?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Miss, hindi ko alam kung bakit ka nandito. Hindi ko po masasagot yan. Kagabi lang po. At halata naman po siguro? Pero nasa mansyon po kayo ng pamilya ni young master. Ibig sabihin po noon yung buong angkan niya ang nandito." Paliwanag nito sakin.

Edi wow! Siya na may sagot sa lahat ng tanong ko. Sino ba kasi yung young master na yan? Masapak na nga at ng maka-uwi na ako. Bagot na bagot na ako.

"Pwede ba ulit magtanong?" Tumango lang ito at ngumiti sa akin.

"Pwede ko bang malaman kung... pakakainin niyo ako? Kasi nagugutom ako eh." Sabi ko dito.

Napatingin ito sakin kaya naman tinaasan ko lang siya ng kilay. Ngayon lang ba siya nakakita ng taong kulang sa kain? Abay, bakit kasi nila ako dinala rito? Gaguhan lang ba bes?

"My bad, miss. Tara na po at ng maipaghanda ko na kayo ng pagkain." Ngumiti ito sakin at naglakad na ulit. Iniisip ko naman kung ano ang kakainin ko. Pwede kayang magrequest ng Italian pasta? Gusto ko nun. Lalo na kapag luto ni --- never mind. Wag na lang pala yun.

"Which do you prefer, miss? Italian pasta or just spaghetti and meatballs?" She asked. Nag-isip akong mabuti at... mag-sa-sandwich na lang ako.

"Sand---" naputol ang sasabihin ko ng may dumating. Anak ng! Bakit siya nandito? Nakidnap din siya? O siya ang may pakana nito? Shit!

...

A/n: Ano? Tingin niyo sino yun? Kapag alam niyo na. Comment niyo lang ah. Bye~~~

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon