ⓒEndearmentⓒ

10 1 0
                                    

Niel's POV.

Nagising ako sa kwarto ko. Walang tao sa paligid, nasaan kaya sila?

Dahil nga isa akong makulit na bata tumayo ako papunta sa pinto. Pero hindi ko naman sinasadya na may marinig na nag-uusap sa labas.

"Paano na? Ang sabi mo walang mapapahamak!" Rinig kong sigaw ng isang babae sa labas. Pero sino kaya?

"Oo na, don't you even dare blow my cover or I'll blow your head off!" Sigaw ulit nito.

"Yea! Bye, psycho!" Then I heard her footsteps walking away. Who is she? Is she a traitor?

...

Kanina ko pa pinakikinggan ang mga sinasabi nila. Lalo na ang boses ng mga babae dito. Pinakikinggan kong mabuti ang bawat pagbigkas nila ng mga salita kaso hindi ko naman mabosesan. Soundproof nga ang kwarto ko pero maririnig mo naman ang ingay sa labas.

Bakit kasi yung mga in-install na cctv sa buong bahay eh may bumaril. Kainis! Nalaman ko naman na yung mga cctv na yun ay nahack ng kung sino man. Kaya ayos lang na masira sila.

"Niel, kanina ka pa seryoso dyan may problema ba?" Tanong ni Guian.

Tsaka nga pala kanina noong nagising ako isang araw daw akong tulog medyo marami din nawalang dugo sakin kaya ako nag-black out, pero hindi ko naman na kailangan ng blood transfusion.

"Wala. Asan nga pala si Erin at Gianni?" As if on cue, biglang dumating yung dalawa na maraming dalang shopping bags kasama si Leo, Heron at Nyx.

"Kuya!" Sigaw ni Gianni.

"Oh?" Tugon ng Kuya niya.

"Tulungan mo nga kami. Meron pa sa may compartment at backseat ng Honda dyan sa may tapat ng main door." Sabi niya tsaka naglakad palayo. Haist! Bakit di niya ako pinapansin? Napansin kaya niya ako?

"Kambs! Sundan mo si Gianni sa taas masama daw pakiramdam kaya kami umuwi agad." Sabi nito.

Sinunod ko naman yung sinabi niya. Saan kaya yung kwarto niya?

"Niel, sino hinahanap mo?" Tanong ni Nike.

"Si Gianni, napansin niyo ba?" Tanong ko sakanya.

"Ah, Oo. Nagpunta sa kwarto mo. Hindi nga yata niya alam na gising ka na eh." Sabi niya.

"Ah, ganon ba? Sige ah. BYE!" sabi ko na lang.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Ayos lang kaya siya?

"Gianni, masama raw pakiramdam mo. Ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya.

"Niel, pwede ka na bang tumayo? Baka naman mabinat yang sugat mo?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ayos lang ako. Ikaw? May masakit ba sayo?" Tanong ko sakanya.

"Ah, medyo nahihilo lang ako." Sabi naman niya.

Hinipo ko yung noo niya and what the! Ang init niya!

"Gianni, kuha lang ako ng gamot ah. Nabinat yata yung katawan mo eh. Hintayin mo ako dito ah." Sabi ko at akmang tatayo na pero hinila niya ako.

"Sandali, pwede dito ka muna?" Nanghihina niyang tanong.

Medyo naiilang ako. Hindi ako sanay na ganito siya.

"Oo naman. Dito lang ako hanggang sa magising ka, okay?" Paglalambing ko dito.

"Okay..." tsaka siya pumikit. Hay... sana naman maayos lang ang lagay niya.

At dahil babantayan ko siya tinawagan ko si Smith para kumuha ng gamot at tawagin ang family doctor namin na si Mrs. Douglas.

...

Courting My Ex - Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon