Nag ipon ako ng lakas ng loob para lamang lumabas dahil nagugutom na rin ako.
Pababa ako ng hagdan naaamoy ko ulit ang niluluto niya. Palapit na ako sa lugar niya ng matalisod ako. Napamura ako ng mahina at liningon niya ako. Bakas padin sa mukha niya ang ilang kaya naman inayos ko kaagad ang kumot na nakabalot sa aking katawan at tumuwid ng tayo.
Hinarap niya ako at iniwan ang niluluto. "Pasensya na kanina. Akala ko ay tapos ka ng maligo kaya laking gulat ko ng nakita kitang di pa tapos." Paliwanag niya. Siguradong pinamumulahan na ako ng mukha sa hiya.
"Wala yon. Sige."
Mula pagkakain hanggang sa makatulog ay malamig padin ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi na siya tumabi sa akin dito sa kama niya siguro ay nahihiya siya sa nangyari kanina. Hindi naman na ako umangal dahil nasa katawan ko pa din ang kahihiyan.
Hanggang sa kinaumagahan bumangon ako at lumabas ng kwarto laking gulat ko ng nakita ko siyang sa sofa lang natulog! Nakaupo at nakakumot. Kumunot ang noo ko. Mayroon namang sofa sa kaniyang tabi na mas mahaba at sigurado akong mas kumportable siya kung duon siya matutulog. At natitiyak kong may iba pang kwarto ditto! Pumasok muli ako sa kwarto at nag tungo sa banyo upang mag sipilyo at mag ayos ng mukha.
Lumabas muli ako ng kwarto nanduon padin siya at natutulog. Nilapitan ko siya gigisingin ko sana siya ngunit tila ba ay hinihigop ako ng kaniyang mukha upang titigan siya, bumaba ang tingin ko sa kaniyang labi. Mas mapula pa yata ang labi ng balyenang ito kaysa saakin.
Medyo gumalaw siya kaya naman linayo ko ang mukha ko sa kaniya. Ligayang ligaya siguro ang balyenang ito dahil nakasama niya ako dito. Ngunit sa kagwapuhan ng isang ito ay wala man lang ba siyang nobya.
Dumilat siya bigla at sobrang nagulat ako kaya bigla akong nangudngod sa sahig. Napapikit ako dahil tumama ang nguso ko sa carpet. Badtrip.
"What are you doing?" Matigas niyang pag kakasabi. Iniangat ko ang ulo ko mukha ko tuloy siyang sinasamba, nang magtama ang aming mga mata ay napansin kong namumula iyun. Adik yata ito.
"N-nothing I'm just going to wake you up then as you can see..." nginitian ko siya at nag peace sign.
Naka busangot pa din ang kaniyang mukha na tila ba nahirapan siyang matulog kagabi dahil dito lang siya natulog. Napaka laking masyon na ito may iba pa naman sigurong kwarto nag iinarte pa itong lalakeng to.
"Okay. Im going to cook our breakfast. Mag ayos ka na ng gamit we'll be heading Manila an hour from now." May awtoridad ang kaniyang boses na siyang nag papakilabot saakin. Napaka sungit ng lalakeng ito parang may regla. Tss.
"Uhm, o-okay are you in a rush?" Inosente kong tanong.
Baka hinahanap na siya ng girlfriend nya? o baka naman asawa nya?
"I'm not in a rush Cymplicity. I told you yesterday right? That's why I'm going to take you back in Manila because you always think that I am rushing!" Tumaas ang kaniyang boses.
"Sorry." Yumuko ako at iyun na lamang ang lumabas sa bibig ko. Tss. Isang sentence lang sinabi ko napaka dami pa niyang sinabi. Tinalikuran ko siya at umalis na duon para mag ayos.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ng bahay. Kinakabisa ko upang hindi koi to makalimutan at mag silbing isang kakaibang experience. Napangiti ako. May lungkot at saya ang aking nadarama. Kailan kaya ako makakabalik dito?
BINABASA MO ANG
Saving Her
RomancePaano makakabangon si Cymplicity Perez gayong lugmok na lugmok na siya sa sakit na idinulot ng taong kaniyang pinaka mamahal? Sino ang darating para ayusin siya?