Chapter 9

12 6 0
                                    

Cymplicity Perez's POV


Nang matapos akong magbihis ay dumiretso na ako sa lobby. Ang suot ko ay simpleng dress lang dahil ayokong mag mukhang trying hard sa pananamit dahil lang may kasama akong gwapong balyena.



Kasalukuyan akong nag lalakad ng maaninaw ko ang isang pamilya na mukha. Si Bullet, na naka pormal na damit. He's wearing an all black suit and a gray neck tie. It looked good on him. Nang makita niya ako ay binilisan niya ang lakad at lumapit saakin.



"Hello Cymplicity? You look good huh? Seems like you're going on a date. I guess?" he's eyeing me right now while his both arms are resting with one another.



"Thanks, Im going out with a friend of mine. Hindi ko alam na may talent ka sa panghuhula." Tawa ko.



"Silly." Umiiling siya at natatawa.



"What are you doing here?" Pag iiba ko ng usapan.


"Bullet Marcus." Napatalon ako dahil kadarating lamang ni Paine. Matalim ang tingin niya kay Bullet.



Nakasuot siya ng plain white T shirt, chino shorts, white roshe, rolex and a black aviator. And all I can say is he's freaking hot, super fudging hot! Parang biglang nag laho si Bullet saaking tabi dahil sa pagkamangha ko kay Paine. May dala din siyang dark blue roses and napaka ganda ng mga iyon.



Nakapamulsa ang isa nyang kamay habang hawak ang rosas habang lumalapit saamin.



Nang makalapit siya saamin ay si Bullet ang hinarap nya. "What are you doing with my girl? Bullet?" Naguguluhan man ako ay parang unti unting nalilinawan ang iniisip ko. Siguro ay pareho sila ng field kaya nila kilala ang isa't isa.




"Bro, nothing, I just saw her here and I greeted her." Tumingin si Bullet sakin. "Is he the friend you're talking about Cymplicity?" Seryoso na ang mukha niya.







Tumango lamang ako. "Okay, I'll go ahead. It was nice seeing you Cymplicity." Hinalikan niya ako sa pisngi kaya napasinghap ako. Matatalim nanaman ang tingin sakin ni Paine kaya naman ay hinigit ko na siya at pumunta sa labas ng condo. Hinahanap ko ang kaniyang Lotus ngunit hindi ko iyon makita.



Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at hinila ako patungo sa itim na Porshe at binuksan iyon. So hindi pala Lotus ang sasakyan namin.



Nang makapasok kami sa sasakyan ay agad akong nagtanong. "Bakit ngayon mo lang naisipan mag pakita saakin?"

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon