Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Paine saakin. Umaasa ako na babawiin niya iyong sinabi nya kagaya ng pag bawi nya na ihahatid nya ako sa University.
Imagine that, I am with a handsome man pleasing me to fall in love with him. Crazy! I mean dalawang linggo? Sa dalawang liggo na iyun susubukan ko siyang mahalin? Ang labo naman nya! At ang hangin pa! the fact that we just met. Oh no Cymplicity.
Nandidito kami ngayon sa kusina. Naka upo ako sa counter samantalang siya ay nag luluto. Maganda ang disensyo ng kusina dark brown at black ang kulay ng mga pader at lahat ng kasang kapan ay nakalabas.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay abala sa pag hahanda ng mga rekados.
"Huwag mo ako masyadong papakin, kakatitig mo diyan at baka hindi na ako makapagluto." Tinaasan ko sya ng kilay. Itong lalake na ito napaka taas ng self confidence.
still wearing my uniform sa labas ay madilim na hindi ko alam kung ilang oras kaming bumyahe pero na kikinita kong matagal iyon."Ang hangin mo rin e 'no?" Pag tataray ko. "Pwede namang iuwi mo na lang ako para wala ng titingin dyan sa patpat mong likuran." Inirapan ko siya at pinag laruan ang mga tissue na nasa tabi ko.
Hindi naman patpatin si Paine sa katunayan napaka ganda ng katawan niya. Mapapakanta ka na lang talaga ng All in my head ng Fifth Harmony.
Napa ismid sya.
"Kung alam ko lang baka kanina mo pa ako kinain dahil sobrang hot ko." Tumingin siya saakin at nakangisi pa.Anak ng balyenang feelingero!
"oh really? Hot? Oh no man. Hotdog maybe!" I spat and laughed."O really? Ikaw nga itong pa fall. Kung alam ko lang crush mo ako nung una mo palang akong nakita!" pag dadagdag ko pa tumalon ako sa counter at nilapitan siya.
Dumila ako at ininis siya. "Na love at first sight ka saakin hano? May pa heart heart ka pa diyan!" Lumapit ako lalo para makita ko ang mukha niyang naka simangot.
Tawa ako ng tawa. Tagumpay ang plano ko.
"Bakla ka siguro? Kaya gusto mong mainlove ako saiyo?" Mabilis ang pag lingon niya saakin. He smiled evilly like I've said something really bad.
O, no!
Bago pa ako maka balik sa kinauupuan ko ay bigla niya akong hinila at nagulat ako dahil sa paghila niyang iyon ay naging daan upang magka dikit ang aming mga labi.
Nagulat ako kaya tinulak ko siya. Ngayon siya naman ang tumatawa samantalang ako ay tulala lamang.I mean that's, ugh, that's my. No my freakin!!!!
"I hate you!" Sigaw ko sa kaniya. Bumalik na ako sa pwesto ko kanina at pinag patuloy naman niya ang kaniyang pag luluto.
Kung siguro hindi ko siya type ay baka kanina pa siya nakakulong pero hindi ko alam kung bakit hanggang inis lang ako? Maybe because I'm 20 too old and still doesn't even had a boyfriend since then. Well is that an enough reason to let him kiss me and take me here?
Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil bakit hindi ako makaramdam ng galit sa mga ginagawa niya sakin. Bakit parang gusto ko pa itong nangyayari saamin. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko!
Napahawak ako saaking labi. Unang halik ko iyon! Pero kahit ganuon ay masarap sa pakiramdam tila ilang milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng mag dikit ang aming mga labi.
Masarap.
I mean hindi!
Erase......
Mga ilang minuto lang ay natapos na niyang lutuin ang pag kain na kaniyang hinanda. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain pawang mga tunog lang ng kubyertos ang iyong maririnig.
Wala naman akong mapipintas sa luto niya dahil masarap naman itong Kare Kareng niluto niya.
BINABASA MO ANG
Saving Her
RomancePaano makakabangon si Cymplicity Perez gayong lugmok na lugmok na siya sa sakit na idinulot ng taong kaniyang pinaka mamahal? Sino ang darating para ayusin siya?