Chapter 1

146 3 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

Nagpasya akong manuod ng movie. Wala naman na kase akong gagawin ngayong araw. Tinawagan ko si Aerien kung saan pwedeng gumala pero mall naman ang sinabi niya. Sawang-sawa na ako sa mall. Wala nabang ibang pupuntahan?

Namimili ako ng movie na pwede kong panuorin nang makita ko si ate Sohee na umupo sa sofa.

"Ate Sohee, movie marathon tayo?" yaya ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Ano bang gusto mong panuorin ate? Horror. Romance. Game. Ano?" tanong ko at nagpuppy eyes pa.
Pero tinulak niya ako. She rolled her eyes na parang naiirita siya sa presensiya ko.

Ayaw ko na ganito kami ng ate ko. Hindi ko alam kung bakit ganito siya sa akin. Ayaw niya akong kausap at para bang may nakakahawa akong sakit na pati lapit at dikit lang sa kanya ay nilalayuan na niya ako.
I don't understand why she's acting like I have done something wrong at hirap siyang patawarin ako. What have I done?

"Ate..."

"Huwag mo kong kausapin, Ingrid." banta niya. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang tensyon sa mga mata niya.

"Pero ate---"

"Ingrid!"
Sigaw niya. Dahilan para magulat ako napatigil sa dapat na sasabihin ko. Tumayo siya at nilingon ako. Namumula siya sa galit.

"Pwede ba?! Tigilan mo nga ako! Ayokong makausap ka at mas lalong ayaw kitang makita! Naiirita ako sa presensya mo!"

Pumatak ang namumuong butil ng luha sa mga mata ko. Ano? Ganuon na ba talaga kagalit si Ate Sohee sa akin? Na kahit ni konting dikit lang ng mga balat namin at konting tingin lang sa akin ay naiirita na siya? Ano bang ginawa ko?

Umirap siya.
"Tsss. Wag ka ngang tumingin nang ganyan sa akin. Tsaka wag ka ngang umiyak, akala mo ba kakaawan kita sa itsura mong yan? Bakit Ingrid? Ikaw ba naawa sakin?"

What? Anong pinagsasasabi ni ate? Hindi ko na siya maintindihan. Ano bang problema niya sa akin? Bakit di nalang niya ako diretsuhin. Wala akong maalalang ginawang masama sa kanya. Mahal ko siya. Kaya bakit ganyan siya umasta sa akin? Naguguluhan nako.

Natigil kami nang marinig namin ang sasakyan ni Daddy sa labas. Andito na siya.

Nilingon ako ni ate Sohee.
"Umayos ka."

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at tsaka umayos ng upo. Hindi ko alam kung mapapansin ni Daddy na umiyak ako dahil namumula ang mata ko.

Narinig kong bumukas ang pinto at niluwa nuon si Daddy. May bitbit itong malaking paper bag.

Binati ni Ate Sohee si Dad at akmang yayakapin niya ito nang biglang lumapit sa akin si Daddy.
Nakita ko ang dismayadong mukha ni ate nang tumingin siya sa akin.

"Zheighreen, anak. May pasalubong ako sayo."

Binigay sa akin ni Dad iyong hawak niyang malaking paper bag. Inabot ko iyon at binuksan.

Laking gulat ko nang makita ko kung anong laman nun.
Sapatos.
Yung sapatos na binabalak kong bilhin nang minsang pumunta ako nang mall pero di ko nabili dahil pang-grocery lang yung dinala kong budget.
Yung sapatos na balak kong bilhin dahil yun ang gusto kong suotin kapag practice namin ng cheardance at hiphop.

And now, heto at hawak ko na siya. Yung dream shoes ko.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni dad sa akin.

Hindi nako nagsalita at niyakap ko siya.

"Thank you,Dad! Antagal ko tong pinangarap bilhin." malawak ang ngiti ko nang mga sandaling iyon.
Hanggang sa dumako ang tingin ko kay ate na nakatayo at madilim ang mukha.
Galit na galit siya.

Bumitaw ako at pinilit ulit ngumiti sa harap ni Daddy.


"Dad, where's mine?"
Nakataas ang kilay ni ate Sohee. Halatang alam na niya ang sagot doon pero nagtanong parin siya.

Napakamot sa batok si Dad.
"Ah, Sohee anak. Pasensiya ka na hindi ako nakabili. Nextime. I'll buy for you nextime."

Ngumisi si Ate Sohee. Halatang disappointed siya.
"Nextime? Wow. Ganyan ka naman talaga Dad diba? Ako lagi ang nextime. At si Ingrid? Siya ang laging nangunguna sayo. Hindi nako magtataka. Lagi ka namang unfair eh."
Namumula si ate nang tumalikod na siya at umalis. Naiiyak siya. Nakita ko. Tinawag siya ni Daddy pero hindi na niya ito pinansin. Nagtuloy-tuloy si ate sa kwarto niya.

Bakit ganun si ate? Alam kong nagseselos siya pero ang babaw naman yata. Dahil lang ba dito sa sapatos? Eh binibilhan din naman siya ni Daddy ah.
Ano bang nangyayari sa ate ko? Namimiss ko na siya. Namimis ko na yung dating ate ako.

Tatlong taon simula nang mamatay si Mommy ay tiniis ko yun. Tiniis kong gawin niya ang mga yun saakin. Tiniis kong tratuhin niya ako na parang biggest enemy niya. Tiniis kong irapan niya ako everytime na nakikita niya ako. Tiniis kong maging kagaya nang normal kahit na mayroon nang pader na nakapagitan sa amin. Dahil clueless ako. Wala akong mahagilap na sagot sa mga tanong ko. Gusto kong tanungin si Daddy. Gusto kong mag-open up sa kanya pero di ko alam kung paano. Baka mas lumala lang.

Kailangan ko ng sagot. Kailangan kong makausap si ate.






Vote!
Comment!

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon