Chapter 5

35 0 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

"Anong hindi mo maintindihan dun,Zheighreen?"
Tanong ni Sarina sa akin habang nasa kotse kami. Pauwi na kami at sasakyan ni Aerien ang ginamit namin.

"Bakit hindi ko siya kailangang layuan,Sari? Masasaktan ako kapag mas lalo akong lumapit."

"Oo nga naman, Sarina. Kasabwat ka ba ni Drown at balak niyo talagang saktan si Zheighreen?" sabat ni Aerien habang nagda-drive. Kami naman ni Sarina ay nasa backseat.

Natawa siya.
"Ulol! Bakit ko naman gagawin yun,aber? Diko nga kilala yang Drown na yan eh. Pero honestly, Zheighreen. Wag mo siyang layuan."

"Eh bakit nga hindi? Nasasaktan ako. Kanina nung nagkabunggo kami at nakausap ko siya, gosh! Anlakas ng tibok nang puso ko. Sabayan mo pa yung dumating yung girlfriend niya at naglalamyungan pa sa harap ko? Shit lang. Ang sakit kaya!".

Halos maluha ako dahil naalala ko na naman yung kanina. Yung akbay ni Drown kay Sienna. Yung magkadikit ang katawan nila. Yung magkahawak kamay sila. At yung ipinakilala niya sa akin si Sienna bilang GIRLFRIEND niya. Damn shit! Ang sakit!

"Hindi naman kailangan na layuan mo siya, kase mas lalo kang masasaktan kapag ginawa mo yun."

Kumunot ang noo ko? Ano raw? Mas masasaktan ako kapag nilayuan ko siya?

"Ano?! Ang weird mo naman, Sarina. Mali yun noh. Mas lalo siyang masasaktan kapag pinagpatuloy pa niyang lumapit sa taong yun. Yan ba ang napapala nang masyadong studious? Bumabaligtad ang utak?"

Inirapan lang siya ni Sarina. Tsk. Busaw talaga kase itong si Aerien. Hindi siya ang kinakausap eh.

"Alam mo,Aerien. Pwede patapusin mo muna ako bago ka dumada diyan?"

"Oopss! Haha. Sorry guys."

"Yang pagmamaneho mo ang asikasuhin mo! Batuhin kita eh!"
Banta ni Sarina habang hawak ang isang notebook sa kamay niya. Natawa tuloy ako. Kahit kailan talaga may pagka-ewan tong mga kasama ko.

"Oo na. Hiya naman daw ako sa mga weird na advice mo".
Sagot ni Aerien. Inirapan siya ni Sarina pero nagkibit balikat lang siya at tinuon ang pansin sa daan.

Bumaling si Sarina sa akin tsaka siya ngumiti.
"Duon mo kasi mapapatunayan na kahit nasasaktan ka, kaya mo iyong tanggapin."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong sinasabi ni Sarina? Nabobobo yata ako ngayong araw. Ayaw gumana nang utak ko.

"Magulo ba? Haha." Nabasa niya siguro kung ano ang nasa utak ko.

"Okay, I'll make it clear. Hindi mo naman siya kailangang layuan eh. Una, magtataka yun sayo at iintrigahin ka kung bakit mo siya nilalayuan samantalang bestfriend kayo at antagal niyong hindi nagkita."

"Tama!" Sabad ni Aerien at tumango pa na parang sumasang ayon sa sinabi ni Sarina.

"Pangalawa, porket ba nasasaktan ka eh hahayaan mo nalang na mawala yung friendship niyo samantalang CHILHOOD FRIENDS kayo?".

"Tama!"-Aerien.

"And lastly, makakatulong yong paglapit mo sa kanya kahit na nasasaktan ka."

"Huh? Anh weird naman,Sarina!"
Sabad ni Aerien at napalingon pa siya saamin sa likod.

"Aerien!" Banta ko dahil hindi na nga ako nakakaintindi, sumasabat pa siya sa usapan nang may usapan. Kanina pa to eh! Ang sarap upakan.

Tumango lang siya at nagpatuloybsa pagda-drive.

"H-hindi ko maintindihan yung last, Sarina. Paano yun makakatulong sa pagmu-move on ko?".
Baling ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako tsaka ngumiti.

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon