Chapter 6

38 0 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

Pagkatapos nang klase namin ay agad akong tinakbuhan ni Sarina. Maaga daw kase siyang uuwi ngayon dahil dun sa gagawin niyang report para bukas.
Si Aerien naman, diko maaninag. Kaya eto, mag-isa na naman akong naglalakad ngayon ditobsa hallway.

Didiretso na sana ako sa parking lot para hinatyin si Mang Kiko nang biglang may humablot sa kamay ko.
Nagulat ako nang makita ko siya. Kumabog bigla ang dibdib ko lalo na't nagtama ang mga mata namin.
Shit heart!

"Di ba may usapan tayo?"
nanunuri ang mga mata niya nang tumitig siya sakin. Parang may hinahanap siya sa mga mata ko.

"U-uhm... K-kase,Drown m-may g-gagawin pa ako. K-kaya h-hindi ako p-pwede ngayon."
Sagot ko. Bakit ba kase ako nauutal?!

"Anong gagawin mo?"
Mas lalong lumalim ang mga titig niya sakin. Dahilan para mas lalo akong kabahan. Shit! Anong isasagot ko? Nabobobo nako dito.

"Ahh. A-ano kase..."
Aish! Hindi ko mahinuha ang isasagot ko! What the hell!

"Ano,Rin-Rin? May gagawin ka ba talaga o iniiwasan mo ko?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Anong gagawin ko? Napansin ba niya 'yon? Patay!

"Ah. Hahaha. Iniiwasan? Bakit naman kita iiwasan,Drown? Busy lang talaga ako." pilit akong tumawa kahit peke naman 'yon. Pero bigo ako, mas lalong kumunot ang noo niya at lumapit sa akin. Gusto kong umatras pero hindi ako makagalaw.

"Talaga? Eh bakit nakita kita nung isang araw sa mall?"
Tanong niya. Nanunuri ang maiitim at malalalim niyang mata. Isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit ako nagkagusto sa lalakeng to. Ang gaganda ng mga mata niya. Nakakalunod.

"A-ahh. K-kase..."
Hindi ako makasagot. Yumuko ako at ibinagsak ang mga balikat ko. Wala na. Wala akong mahagilap na isasagot. Halata na niya atang nagsisinungaling ako. Kainis naman!

"Let's date,then".

ANO DAW?!
Napaangat ko tuloy yung ulo ko tsaka napatingin sa kanya.

"What?! But-"

"No more buts,Rin-rin. Alam kong magdadahilan ka na naman."
Pagkasabi niya non ay hinila niya ako papasok sa kotse niya. Pinaandar niya ang kotse at pinaharurot palayo sa Lindon Academy.
Tinext ko si Mang Kiko na huwag nalang akong sunduin. Magtataxi nakang ako pauwi.

Huminto kami sa isang restaurant. Bumaba siya at pinagbuksan ako nang pinto ng kotse. Pagbaba ko ay dinampot niya agad ang kamay ko at hinatak papasok sa loob.

Umupo kami sa isang vacant table.

"Anong gusto mong kainin?"
Seryosong tanong niya sa akin habang panay ang tingin niya sa menu.

"Kahit ano na lang." malamig kong sagot sa kanya. Nilingon niya ako at tinitigan. Nanunuri. Shit!
Bakit ba kase ang galing mong manitig kang lalake ka?! Kainis!

"Okay." Sagot niya at tinawag ang waiter. Sinabi niya ang order bago.umalis ang waiter.

Habang naghihintay kami ay panay ang titig niya sa akin. Panay naman ang iwas ko ng tingin. Hello? Kinakabahan kaya ako! Si Drown yan eh, lakas nang tama ko diyan. Nakakatunaw siyang tumingin.

"Bakit mo ko iniiwasan,Rin-rin? Don't tell me yan ang utos ni Tito Zed."
seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ko. Paano nadamay ang Daddy ko dito?

"No. Wala siyang sinabi saken. Tsaka hindi naman kita iniiwasan eh. Busy lang talaga ako."

"Really?"

Tumingin ako sa kanya at nakita ang mala-demonyo niyang ngisi. Aish! Baka mamaya kainin ako neto! Joke. Haha.

"Yeah."
Sagot ko.

Dumating ang order naming pagkain. Nagutom ako bigala kaya agad kong nilantakan 'yon para mawala ang topic. Akala ko hindi maaalala yun ni Drown habang kumakain kami pero nagtanong pa rin siya.

"Eh bakit ganyan ka makitungo saken? Parang hindi tayo magkaibigan ah."
Gosh! Eto na naman ba tayo,Drown?

Pilit kong kinalma ang sarili ko at umayos.
"Wala lang. Nahihiya kase ako. Lalo na sa GIRLFRIEND mo"
Diniinan ko talaga ang word na GIRLFRIEND dahil totoo naman.
At---- huh? What?! Sinabi ko 'yon?! Anak nang-----.

"What about my girlfriend? May mali ba sa kanya para mahiya ka? Mabait siya."

Yeah right! At alam kong mahal na mahal mo siya. Tang-ina lang kase at bakit pa ako umasa sayo!

"I see."

Tumahimik siya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa pagkain. Hindi na ako nagsalita at tinutok nalang din ang atensiyon ko sa kinakain ko. Masarap pa naman.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya niya akong pumunta sa isang park malapit sa restaurant. Kahit panay ang kabog nang dibdib ko ay pumayag pa rin ako. Na-miss ko siya eh.

Umupo kami sa isang bench at dinama ang dampi ng hangin sa katawan namin.
Tahimik. Walang nagsasalita. Nang ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ay inunahan niya ko.

"Kamusta ka na, Rin-rin?" tanong niya at tumingin sa akin. Ang seryoso niya.

"O-okay lang naman. Ikaw?"

Ngumiti siya. Hindi naman pilit pero hindi rin umabot sa mga mga mata niya.

"Masaya ako ngayon."
Yeah! Hindi nako magtataka dun. Kase feel mo ang mainlove sa girlfriend mo. Samantalang ako.sinasaktan mo!

"Kase nakita na kita,Rin-rin."
Pagpapatuloy niya. Dahilan para malaglag ang panga ko. Ano? Masaya siya dahil nakita na niya ko? What the hell! Huwag mo naman akong paasahin,Drown! Nakakasakit.

"H-huh?"

Ngumiti lang siya tsaka ako hinila at niyakap.
Nanigas ako.
Oh my! He' s hugging me!

Nakita ko nalang ang sarili kong niyakap siya pabalik. Umiinit ang gilid nang mata ko. Naiiyak na naman ako, bwisit!

"Please,Rin-rin comeback. Bumalik na tayo sa dati."
Bulong niya sa mga tenga ko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng guilt dahil alam kong nami-miss niya ako. Ang friendship namin. Pero umiiwas ako dahil sa punyetang feelings ko.

"Please. I really miss you. I miss my bestfriend ."

Right! Bestfriend. Yun lang kase ako sa kanya.
Tumango ako at pinigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko. Kailangan ko ting tiisin dahil kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan. Umasa ako. Kaya heto ako ngayon. Walang magawa dahil huli na. May mahal nang iba yung taong mahal ko. At nakakainis dahil bestfriend ko pa! What a foolish heart,right! I am so stupid.

*****

Napaupo ako sa kama ko at tumingin sa bedside table.
Napangiti ako sa litratong nakalagay doon. It was me and Drown during our JS Prom. Siya ang partner ko noon sa Cotillion. Lagi niya akong sinasayaw sa social dance. Napakagwapo niya that night. Halos maglaway lahat nang mga babaeng nadadaanan niya noon.

Kinuha ko ang picture frame at tinitigan iyon. Bakas sa mga mata namin noon ang saya at excitement. But that was before. Kase ngayon? Masaya na siya sa ibang babae.

Nang umuwi kami galing sa park ay siya ang naghatid sa akin dito sa bahay. Buti na lang wala pa si Daddy dahil alam kong magagalit 'yon. May alitan ang Mom niya at Dad remember?

Napahiga ako sa kama ko. Siguro nga tama si Sarina. Kahit alam kong masasaktan ako ay kailangan kong magpatay-malisya na hindi ako apektado sa kanila. Para mas lalong maipamukha sa akin na hindi talaga kami pwede. Na hindi lang siya ang lalake sa mundo. At hindi ako ang babaeng mahal niya.





Vote.
Comment.

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon