Chapter 9

36 0 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

Panay ang hila ko pababa sa laylayan ng dress ko. Feeling ko kase ang iksi masyado. Parang nakikita yung kaluluwa ko! For Pete's sake! Im not wearing this kind of shits!

"Ano ka ba, Zheighreen. Para kang monggoloid diyan! Tigilan mo nga yan. Magmumukha kang timang niyan eh. Just walk confidently. You don't need to pull that fucking dress everytime you walk."
Naiiritang sabi ni Aerien sa akin habang naglalakad kami papasok ng bar. Maingay na sa loob at parang na-excite tuloy akong pumasok. But offcourse, i hate this fucking outfit. Aish!

"Fine."
Sagot ko at sinunod na lamang siya. Wala na rin naman akong choice. Hindi ko nga alam kung saan niya tinago yung damit at sapatos ko kanina.

Pagkapasok namin ng bar ay agad may sumalubong sa amin na lalake. Matangkad at halata ang malalaking muscles niya. He's wearing a black shirt and maong pants. And his damn hot with that outfit. Ang gwapo!

"Hi!"
Bati niya sa amin ni Aerien.

Ngumiti ako dahil si Aerien ang sumagot sa kanya.
"Hi."

"May kasama ba kayo?"

"Actually, ako meron. Pero itong kasama ko, wala."
Sagot ni Aerien at ngumiti ng nakakaloko. Fuck! Mababatukan ko talaga itong kaibigan ko na to eh!

Tinignan ako nung lalake tsaka siya ngumisi.
"I guess so."

"Oh! I have to go. Naghihintay kase yung kasama ko. Bye girl."
Sambit ni Aerien sa akin at nagmartsa na paalis sa kinatatayuan namin. Kumaway pa siya kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

Bumuntong hininga ako dahilan para matawa yung lalakeng nasa harap ko. Mas malapit na siya ngayon sa akin.

"Jhecko nga pala."
Sambit niya at inilahad ang kamay niya.

Kahit na kinakaban ako ay ngumiti ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
"Zheighreen Ingrid."

"Wala kang kasama?"
Tanong niya habang mas lalong lumapit sa akin. Naamoy ko na tuloy ang pabango niya. Nakakaadik.

"Uh. Meron. Hinahanap ko nga sila eh."
Sagot ko.

Tumango-tango siya.
"Friend?"

"Oo."

"So, pwede ba kitang samahang hanapin sila rito?"
Tanong niya habang nakangisi. Ang gwapo lang. Fuck!

"Huh?"

"Malawak ang Sathorn bar. Kaya mahihirapan kang hanapin sila."
Sagot niya.

"Ehh."

"Don't worry, hindi naman kita aanuhin eh. Hindi ako ganung tao."
Sambit niya na parang alam ang ibig kong sabihin. Natawa pa siya habang sinasabi iyon.

Pumayag ako sa gusto niya. Mahirap na rin kase kpag mag-isa lang akong lalakad-lakad rito. Baka pagtripan lang nila ako. Although,second time ko na tong pumunta sa isang bar, iba pa rin kapag may kasama ka sa mag-isa ka.

Panay ang lakad namin. Kwento lang siya ng kwento habang hinahanap namin sina Drown at Sienna. Mabait din pala si Jhecko. Well, yun naman talaga ang first impression ko sa kanya kaninang unang beses ko siyang nakita. Kaso iba pa rin yung nakilala sa nakita. And now, I am here. Walking with him. Mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. Madaldal kase at hindi boring.

Nang mapagod nako ay niyaya ko na siyang umupo. Para lang kase kaming timang na naghahanap sa wala. Nasaan na ba kase ang mga yun? May isang oras na yata kaming naghahanap ni Jhecko.

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon