CHAPTER 8

38 0 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

"Ano pong ibig niyong sabihing tuturuan?"

"Tutor Miss Dela Vega. Ikaw ang magiging tutor ni Mr. Torealba."
Sagot ni Mrs. Parker. Huminga ako ng malalim at tinignan isa-isa ang mga papers na nasa folder. Napadako ang mga mata ko sa mga achievements niya since high school. Valedictorian siya mula first year hanggang fourth year? Wow! Ang galing niya. At hindi siya dito nag-aral kundi sa...

"Italy?!"
Gulat kong sabi. Tinawanan pa ako ni Ma'am Parker. Grabe ang galing naman niya!

"Oo, Zheighreen. Magaling siyang bata.  Kaya alam kong hindi ka mahihirapang turuan siya. He's nice. Pero bawal mo siyang tanungin tungkol sa backgrounds niya. Bawal kang magtanong ng tungkol sa kanya. You just teach him. That's all."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ma'am sa akin. Pero binalewala ko na lamang iyon nang magsalita ulit siya.

"Wag mo nang tanungin kung bakit. Wala ka rin namang mapapala. Ang kailangan mo lang gawin ay i-tutor siya sa lahat ng subjects na na-lesson niyo last month. Kailangan niyang humabol. Don't worry. Babayaran ka naman ng tagapag alaga niya."

What? Tagapag-alaga? Naguguluhan na talaga ako ha. Isip-bata ba yung Sedeur na 'yon at may tagapag-alaga pa? Tsk.

"Iyon lang naman Miss Dela Vega. Friday ngayon. Kaya sa Monday, papasok na siya dito. Room mates kayo at pareho kayo ng lahat ng subjects kaya hindi ka mahihirapang hanapin siya dito sa campus. You will start also your work to him on Monday. Goodluck Miss Dela Vega."
Wika ni Mrs. Parker sa saakin.

Malawak ang ngiti niya nang magpaalam na ko. Kahit na medyo nacu-curious ako ay binalewala ko nalang. I'll just do my work. At iwasan ng mga bawal. Sana lang talaga "Nice" ang Sedeur na 'yon. Dahil kung hindi, matitikman niya ang bagsik ng pagka-amasona ko. Hahaha!




Nagulat ako nang biglang mag-vibrate yung phone ko. Nasa may hallway pa lang ako at pauwi na. Dinampot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binasa ang message na kararating lang.

From: Sienna

Hey Zheighreen! Sa sunday ng gabi nalang tayo mag-bar ha? Wala kase si Drown. Busy daw siya.

Huminga ako ng malalim. Yeah. Buti nalang at hindi na naman iyon matutuloy. Dahil ang hirap magpanggap sa kanilang dalawa. Ang hirap nilang iwasan lalo pa't ako ang lagi nilang hinahanap. Kaya nga kahit ang sakit sakit na, pinipilit ko ang sarili kong sabayan sila sa mga trip nila. Pinipilit ko ang sarili kong huwag maiyak at masaktan sa harapan nila. Ang hirap. Pero kailangan eh. Kahit para na akong tanga dahil sinasaktan ko mismo ang sarili ko. Pero kagaya nga ng sinabi ni Sarina saken. Kailangan kong ipamukha sa sarili ko na hindi talaga kami pwede kahit na mamatay nako sa sakit. Ang ewan diba? Pero yun talaga eh. Para kapag napagod tong taksil na puso ko, baka  maibaling ko rin sa iba ang nararamdaman ko.



"Anak, nakausap mo na ba ang ate, Sohee mo?"
Tanong sa akin ni daddy habang nagdi-dinner kami.

Umiling ako. Mahigit isang buwan na simula nang sabihin sa akin ni  Mang Kiko na kinakamusta raw ako ni ate. O hinahanap?

Pero wala. Wala ni kahit isang tawag akong  natanggap  ko mula kay ate.

"Dipa po,dad."
Sagot ko at uminom ng juice.

"Ganuon ba? Lagi ka kase niyang tinatanong sa akin kapag nagkakausap kami sa tawag."

Nasamid ko tuloy yung iniinom kong juice dahil sa sinabi ni daddy. Si ate Sohee? Lagi niya akong tinatanong kay daddy? Nung nakaraang buwan si Mang Kiko ang tinawagan niya at tinanong daw niya ko. Ngayon ganoon din ang ginawa niya kay daddy? Anong nagyayari? Galit na galit sa akin si ate,right? Wala siyang pakealam sa akin. Halos isumpa pa niya ako nuon. Imagine that damn 3 years na ganun ang trato niya sa akin. Tapos ngayong nasa Seoul siya, tinatanong niya ko? May halaga naba ako ngayon kay ate? May pake na ba siya? Namimiss na ba niya ko? Hindi na kaya siya galit?


STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon