Chapter 3

53 1 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

"Uy babae, saang room ka?" tanong sa akin ni Aerien habang naglalakad kami ng hallway.
Magka schoolmate kami, syiempre. Dito kami sa Lindon Academy nagkakilala eh. And off course pati yung bestfriend naming bookworm na si---- wait! Teka, nasaan na pala yung babaeng yun?

"Hoy babae, teka lang. Nasaan si Sarina?  Wala pa ba yun?"

Bakit di nagpaparamdam ang weird na yun? Sabi niya sa probinsiya daw siya nagbakasyon kaya hindi namin nakakasama ni Aerien. Grabe na mang bakasyon kung hanggang ngayon, wala pa siya.

"Ulol! Mas nauna pa yong' pumasok kesa satin noh. Syempre nasa library na naman yun. Nagpapakalunod sa mga libro niya. Eh alam mo na. Nerd."
Sagot niya. Ikinumpas pa niya ang kamay niya sa ere.
Tsk. Busaw talaga ang isang to. Masyadong prangka. Sinasabi ang gustong sabihin.

Haayy. Well, thankful ako at kahit papano ay nagkakasundo naman kaming magkakaibigan kahit na magkakaiba kami.

Si Aerien, siya yung tipong prangka. Hindi siya plastik kaya nagustuhan ko siya agad. Masyado lang kaseng madaldal at intrigador. Wala rin yata siyang kapaguran sa kakagala.

Si Sarina naman, siya yung babaeng grade-concious. Bookworm at minsan loner dahil hindi nakakasabay sa trip namin ni Aerien.  Nerd at baduy kung manamit minsan lalo na't  laging nae-expose ang malaki niyang salamin. Pero makulit siya. Tahimik minsan pero masarap kasama kase magaling siyang mag-advice. Palangiti siya at approachable kaya off course, naging magkaibigan kami.

At ako? Ako yung babaeng cool lang. Grade-concious din kaya pumapangalawa ako kay Sarina sa grading. Minsan nga rocket ko ang pagtu-tutor. Wala lang. Trip ko lang. At syempre, ako yung tipong boyish. Astig. Ayoko talaga nang masyadong girly kagaya ni Aerien.

That's why sometimes, our schoolmates call us LUKARET BARKADAS.
Ewan kung anong ibig sabihin nun. Kumpletos Rekados daw kase kami kaya ganon. May girly, may nerd at may boyish. 

"Oh, kanina pa kayo dito?" --si Sarina.
Nasa may pinto siya ng library at may dala na namang sangkaterbang libro. Hayy nako.

Naningkit si Aerien.
"Ay hindi! Kararating lang namin. Kaya nga halos mangalay tong kamay ko sa kaktext sayo eh kung nasaan ka. Dika nagrereply!". Aish! Busaw talaga ang isang to.

"Sorry. Naka-silent phone ko".

"Hayy nako,Sarina. Alam ko namang tutok ka na naman diyan sa mga libro mo. Buti nga alam namin ni Zheighreen kung saan ang lungga mo eh".
Panunumbat ni Aerien. Nasita tuloy kami ng librarian dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Nasa may pinto pa kase kami.

Dali-dali kaming lumayo doon at nagsimula nang maglakad papunta sa mga room namin. Magka-klase kami ni Sarina kaya siya ang kasabay kong pumasok nang room. Panay pa ang pout ni Aerien dahil andaya raw namin. Siya lang daw kase itong hindi napasama sa amin.

Pagpasok namin ng room, saktong dumating ang prof namin. As usual, dating gawain kapag first day ang bwisit na "introduce yourself"  na yan.

Pagkatapos nun ay nag-start na ang klase.

*****

"Zheighreen, okay ka lang ba? Kanina ka pa walang  imik diyan ah".
Napuna yata ni Sarina na tulala lang ako at halos diko naubos yung kinakain kong sandwich.
Nasa may bench kaming tatlo na nakaupo. Panay naman ang kwentuhan nung dalawa tungkol sa mga movie na napapanuod nila.

Umiling ako.
"Hindi ko alam. Naalala ko na naman kase siya."
Masakit pa rin. Kahit siguro anong gawin ko, nakamarka sa puso ko ang sakit na dulot nang pagbabalik ni Drown na may mahal nang iba. Wala naman akong magagawa.

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon