Chapter 7

40 1 0
                                    

Zheighreen's P.O.V


"Hey, Zheighreen! Tara sa bar mamaya. Nabo-bored kase ako this past days."
Yaya sa akin ni Sienna. Yes. Naging magkaibigan din kami ni Sienna simula nung bumalik kami sa dati ni Drown. Naging close kami kaya minsan nagseselos na din sina Sarina at Aerien.

Maraming araw ang lumipas. Isang buwan. Isang buwan kong tiniis na kasama sina Drown at Sienna kahit na halos saksakin ang puso ko sa sobrang sakit. Masaya naman sila kasama. Kaya lang nararamdaman ko parin yung sakit sa puso ko.
Hindi kase madali. Lalo pa't First love ko si Drown.

"Sige ba. Game ako"
Sagot ko habang nililigpit ang mga gamit ko. Pauwi na din kase kami.

"Thank you talaga, Zheighreen!"
Sambit niya tsaka tumalon at niyakap ako.
Natawa ako sa ginawa niya.

"Don't worry. Kasama naman natin si Drown kaya hindi tayo mapapano."

Tumango nalang ako at sinuklian.ang mga ngiti niya.





Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla akong tinawag ni Mrs. Parker.

"Ms. Dela Vega, we need to talk."

"P-po?"
Nagulat ako. Bakit nila ako pinapatawag? Anong sasabihin nila saken? Nakaramdam tuloy ako kaunting kaba.

"Come. We need to talk something. Dun sa office ko."
Sabi niya at tumalikod na. Kahit nagtataka ako ay sumunod pa rin ako sa kanya.


Pagpasok namin sa office niya ay pinaupo niya ako.

"I'm sure nagtataka ka kung bakit kita tinawag dito."
Tumingin ako kay Mrs. Parker. Hindi naman siya galit kaya malamang na hindi naman siguro ako papagalitan. Medyo nakangisi pa nga siya eh.

"Uhm. Ano pa ba kase 'yon, Ma'am? May kasalanan po ba ko?"

"Wala naman, Ms. Dela Vega. Actually, good news to para sayo."
Ngumiti siya dahilan para mas lalo akong magtaka. Goodnews?

"Ano po iyon?"

Huminga nang malalim si Mrs. Parker at umayos ng upo. May kinuha siyang folder sa drawer at iniabot iyon sa akin.
Binuklat ko ang folder at tumambad sa akin ang litrato ng isang lalake.
Ano to?


"Siya si Sedeur Deuele Torealba. "
Panimula ni Mrs. Parker.

Hello? Ano naman kung siya? Hell do I care? Akala ko ba goodnews to? Anong goodnews to?

"Siya ang tuturuan mo."
Sabi ni Mrs. Parker na mas lalong nagpagulo ng utak ko.
Tuturuan? Anong ituturo ko? Teacher ba ko? Tsk.

"A-ano pobg ibig niyong sabihing tuturuan?"

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon