Chapter 2

76 2 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

"Haay nako, Zheighreen. Para namang hindi ka nasanay sa ate mo. Demonyita yun eh".
Pinalo ko siya. Mukhang wala akong mapapala sa bestfriend ko. Puro naman siya kumento.

"Grabe ka Aerien. Kahit ganun si ate, mabait yun. Hindi  ko lang kase alam kung bakit natiis niya ang tatlong taon na ganito kami".

"Tss. Mabait ba kamo? May ganun bang mabait? Haay naku! Alam mo, para mabawasan yang stress mo, gumala nalang tayo".

"Aerien naman eh. Gala na naman?  Hindi ka ba napapagod? Gumala ka na naman kahapon diba?".
Anong klaseng tao tong besrfriend ko at halos walang kapaguran sa kakagala?

"Ano ka ba? Malapit na ang start ng klase. Wala kabang balak bumili ng mga gamit mo?"

Start ng klase? Omo! Oo nga pala. Bakit diko naalala yun? Aish! Masyado kaseng busy tong utak ko sa kakaisip dun sa problema namin ni ate Sohee.
Sa tingin ko nga kelangan ko ng refreshment. Pero gala talaga? Bahala na.

"Sige, tara."

******

Napadpad kami ni Aerien sa isang mall. Pagkatapos naming bumili, nag-decide kaming kumain.

Habang kumakain kami, biglang sumagi sa isip ko si Drown. Siya ang laging kasama ko nuon kapag bumibili kami ng mga school supplies. Kamusta na kaya siya? Naaalala niya pa kaya ako?

"Huy Zheighreen! Diba si Drown yun?"

Napatalon ako sa kinauupuan ko. Si Drown? Andito na siya? Umuwi na ba siya?
Kaagad kong nilingon yung direksiyon kung saan ngumuso si Aerien.
Nalaglag ang panga ko sa nakita ko. Siya nga.

Si Drown... Nakaramdam ako  ng tuwa at pag-asa.


Bakit ngayon ka lang Drown? Bakit antagal mong nawala? Bakit mo ko iniwan nuon? Bakit mo ko iniwasan? Dahil ba hindi magkasundo ang mga magulang natin? Dahil ba galit ang Daddy ko sa Mommy mo? Sapat ba yun para iwan mo ko at lumipad ka papuntang States?

"Huy! Wala ka bang balak tumayo diyan at kausapin siya ha? Diba miss mo na siya?"

Lumingon ako kay Aerien. Nakatayo na siya at hawak na rin niya ang bag niya. Nakataas pa ang kilay niya dahil parang wala akong balak tumayo. Siyempre nagulat ako eh nakita ko na si Drown!

"H-huh?"
yun lang ang naisagot ko.

Mas lalong tumaas ang kilay niya. Nairita yata siya sa sagot ko.

"Aish! Grabe ka naman,Zheighreen. Halika na nga! Wag ka ngang tumunganga diyan".

Hinila niya ako. Nagpatianod ako sa paghila niya. Wala pa rin ako sa sarili ko.
Si Drown...andito na siya!


Bigla kaming natigil ni Aerien sa paglalakad papunta sa direksiyon ni Drown. Bakit?

Lumingon ako sa kinaroroonan ni Drown. Napanganga ako nang biglang halikan niya yung babaeng kararating lang at pumasok ito sa kotse niya. Sumunod siya at pinaandar ang kotse. Umalis sila nang babaeng kasama niya nang hindi ko man lang siya nakakausap.
Iniwan mo na naman ako...Drown.

********

Pabagsak akong nahiga sa kama. Tumingin ako sa kisame. Nakikita ko duon ang imahe ni Drown. Nakangiti siya sa akin.

Pumikit ako. Andito na nga siya. Pero ni hindi ko man lang siya nakausap. Ni hindi nakamusta. Okay sana kung alam ko kung saan sila nakatira para madalaw ko man lang siya. Haayy.

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon