Chapter 10

54 0 0
                                    

Zheighreen's P.O.V

Tinakpan ko ang mukha ko upang walang makapansin sa akin na umiiyak. Shit! Hindi man lang nila inilugar ang paglalampungan nila. And I hate the way my tears fall beacause of that stupid scene! Ang sakit. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko. Gusto kong magwala pero hindi ko magawa. Fuck!

"Hey, are you okay?"
Dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa taong nasa harapan ko. He is wearing a white v-neck shirt at faded maong pants. Nakasuot din siya ng eyeglass pero hindi pang-nerds. Matangkad at katamtaman lang ang katawan niya. Mejo magulo pa ang buhok niya at halatang... genius!

"Eto oh."
abot niya sa panyong hawak niya.

Tinitigan ko lang iyon. Kilala ko ba siya? Para kaseng nakita ko na siya.

Yumuko siya dahilan para kumunot ang noo ko. Shy?

"S-sige na. Tanggapin mo na."
Nakalahad pa rin ang kamay niya na may hawak na panyo.
Dahan-dahan ko iyong inabot at pinunasan ang maiinit at mapapait na luhang lumandas sa pisngi ko.

"S-salamat."
Wika ko.
Tumango lang siya at tsaka nagmamadaling umalis.

Kumunot ang noo ko. Bakit ganun yun? Ah, diko man lang nalaman ang pangalan niya.

Suminghot ako at marahas na inabot ang alak na nasa table. Maglalasing ako ngayon. Bahala na kung sinong mag-uuwi sa akin. Basta gusto kong kalimutan yung nakita ko kanina.

Habang panay ang lagok ko ng alak ay mas lalo namang sumisingit sa balintataw ko ang itsura ni Drown. Lalo na kaninang naghahalikan sila ni Sienna. Halos magkagutay-gutay ang damit ni Drown sa pananabik ni Sienna sa kanya. What the hell? And I am fucking hurting!

Mas lalo kong tinungga ang alak. Bawat pagdaan nito sa lalamunan ko ay ramdam ko ang init na hatid nito.
Nararamdaman kong umaalon na ang paningin ko. Nahihilo ako.

"Hey, sweetie. Mag-isa ka yata. Nasaan yung mga kasama mo?"
Nakita ko si Jhecko na nakatayo sa tapat ko at  nakapamulsa.

Nagkibit-balikat lang ako at tinungga ulit ang alak.

"Hey, take it easy. Mukhang may problema ka."
Nakangisi pa siya habang tinatanong ako. P*ta ang gwapo!

"Meron."
Sagot ko.
"Pero ayokong pag-usapan."

Tumango-tango siya. Nilingon niya ang dancefloor . Tumayo siya at tsaka ako hinila.

"Let's dance."

Nagpatianod ako sa kanya. Well, sayaw lang naman. I just want to enjoy this time. Kahit ngayon lang makalimutan ko yung kanina.

Nang nasa gitna na kami ng mga taong nagsasayawan ay bumitaw ako sa kanya at nagsimulang umindayog. Pumikit ako at sinabayan ang rhythm ng music. Atleast kahit papano gumaan naman yung pakiramdam ko. Habang nakapikit ako ay bigla kong naramdaman ang isang kamay na humawak sa bewang ko. Nagitla ako doon ngunit nang bahagyang tumawa si Jhecko ay hinayaan ko nalang siya.
Whatever. Wala namang may pakealam kahit makipaglandian pa ako sa ibang lalake.
I just wanna enjoy this night kahit ang sakit nang nakita ko kanina.

Fuck! Bakit yun pa rin naiisip ko?
Mas lalong lumapit ang katawan ni Jhecko sa akin. Nararamdaman ko na rin ang mga muscles  niya na nasa likod ko.
I smell his erotic perfume too.

"Your so hot,sweetie"
Daing niya sa tenga ko. Nakiliti tuloy ako at bahagyang lumayo sa kanya.
Medyo nahilo pa ko. Oh, I'm really drunk.
But I want to enjoy this night, so....

BOGSH!

Nagulat ako nang bigla nalang may dumapong suntok sa panga ni Jhecko.
Dadaluhan ko na sana siya para tulungan nang biglang may humablot sa kamay ko at kinaladkad ako papuntang parking lot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STOLEN HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon