Chapter 1

41.4K 546 39
                                    

Nung nag sabog ng ganda ang Dyos malamang gising na gising siya. Katibayan ang mala anghel niyang mukha. She's fully aware na maganda siya kaya nakarami na din siyang boyfriend.

Pinakamatagal ang limang buwan na naging karelasyon niya. Si Jayson ang masugid na makulit na hindi matanggap ang salitang break up. Siguro nag sawa na din sya sa kaka break kaya hinayaan na lang din niya na bubuntot buntot ang lalaki sakanya. Di naman niya alam na kasing manhid ng taong tinurukan ng anestisya yung lalaking yun sa kakapalan. Hindi siya kayang bitawan kahit na pinag susungitan na nya. Kaya nalaman na lang niya na mg 5months na pala sila at record breaker yon para sa kanya. Dahil iyon ang pinakamatagal sa lahat ng naka relasyon niya. Pero wala e makulit yung Jayson na yon kaya hinayaan na lang din nya. Alam niyang mapapagod din ito kakasunod sa kanya.

Sa ngaun she's running her own business "Bank Bar" kung tawagin. But unlike any other bars na maiingay with loud music, sa bar niya purely drinks medyo nag sawa na din kasi siya sa maiingay na lugar. Ayaw niya kasi mag patakbo sa family business nila na bobore siya pumasok araw araw sa opisina. Kaya naisipan niya na mag tayo ng sariling negosyo.

At dahil party girl siya at laman siya ng mga bars gabi gabi kaya yun ang naisip niyang gawing business na lang. Kahit papano sa sarili niyang business kahit anong oras oh araw gusto oh hindi niya gusto pumasok ay ok lang dahil siya ang boss.

And right now she's on her way sa bank bar dahil ilang araw na din siya hindi naka bisita dun saka my tiwala naman siya sa kinuha niyang mga staff at nag rereport naman daily at base on the report wala namang abirya kaya kery lang.

++++++++

Palabas na siya ng sasakyan matapos niya ma e park ito ng maayos ng may huminto na motor sa gilid niya at nag park. Matapos tapunan ng pansin ang driver nito na naka suot parin ng helmet ay walang lingon lingon nag lakad na sya papasok sa resto.

"Good afternoon ma'am Rhi" bati sa kanya ng ilang staff.

Ngumiti lang siya sa mga ito at tuloy tuloy sa loob at nagpabukas ng isang beer.

Napalingun siya sa may pinto habang hawak ang isang malamig na bote ng beer. At habang sumisimsim ay niluwa sa pinto ang isang babae. Isang babae na nakapag pataas ng kilay niya coz she don't usually appreciate beauty of others dahil sa hitsura pa lang niya feeling niya wala ng gaganda sa kanya.

Tuloy tuloy naman ang ginawa niyang pag lagok ng beer namumukhaan niya ito  ang babaeng nag park kanina sa labas. Mukhang ito yung babaeng naka motor kanina sa may parking area. She's pretty huh

Nakita nyang palapit sa counter ang babae at mukhang mag oorder na ito. At ang mahadira niyang staff halatang nagpapa cute sa babae.

"Can I take your order ma'am?" pabebeng tanong ng kanyang staff sabay ipit ng buhok sa gilid ng tenga

"Two beers" sagot ng babae sa malumanay na boses

Tiningnan naman niya ang babae habang papunta sa table nito. Pormahang pa cool ang babae, ma amo ang mukha pero may pagka rock star ang pormahan. Wearing white loose shirt with ripped jeans at boots plus the guitar case na naka sukbit sa likod niya. She's a kinda like a hot chick rock star.

Nakita niyang  na e serve na ng staff niya ang order nito.

Tinapos niya lang ang isang bote ng beer sabay nag paalam sa kanyang mga staff at lumabas na ng bar.

+++++++

Palabas na siya ng makita niya si Jayson sa parking area. Kaya dali dali niyang tinungo ang sasakyan ngunit nahabol parin siya ng lalaki.

Extra Judicial Feelings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon