Chapter 17

8.9K 270 15
                                    

"Manang si Rhian ho?" tanong niya sa isa sa kasambahay nila na nag aasikaso sa kanya para kumain.

"Nasa ilog Glai." sagot ng kanyang madrasta na nasa likod niya lang pala at kakapasok lang ng kusina.

"Maagang umalis yun masakit daw ang ulo, mukhang napasarap inoman ninyo kagabi sa manggahan."

Hindi siya umimik at pinagpatuloy lang ang pagkain. Naramdaman naman niya ang paglapit ang kanya ng kanyang naka babatang kapatid na si Nathan.

"Meme punta tayo kay tita Rhian." marahang hila nito ng laylayan ng damit niya.

"Ano ba kumakain ako." pag susungit niya sa bata. Mas close kasi ito kay Rhian at lagi niyang nakikitang nag lalaro ang dalawa na dapat siya ang gumagawa dito para sa kanyang kapatid sa ina. Pero di niya magawa coz the kid is a constant reminder of her fathers mistakes para sa kanya.

Hindi siya natinag sa pangungulit ng bata at maya maya pa umupo naman ito sa harap niya at walang imik na kumain.

"Sino kasama ni Rhian?" tanong niya ng halos patapos na siyang kumain.

"Siya lang ata mag isa, nakita ko kasi si Cardo ngayon lang." si Cardo ang pinapasama niya kay Rhian minsan dahil hindi pa nito kabisado ang rancho.

"Teka anong araw ba ngayon??' tanong niya ulit sa mga ito.

"Sabado iha." sagot ni Nana Juliana habang nag sasandok ng kanin.

Bigla siyang inatake ng kaba, napatayo siya at naalala bigla na ngayon ang araw ng pagpapatubig sa mga taniman.

"Ngayon ang araw ng irigasyon! bakit hinayaan niyo mag punta doon si Rhian ng mag isa!" natatarantang wika niya dahil bigla siyang binalot ng kaba.

"Andami dami nyo!!. Ni wala sa inyo ang naka alala!"

Tiningnan niya ang kanyang madrasta dahil iniisip niya na sinadya talaga nito na papuntahin doon si Rhian.

"Pag may mangyaring masama kay Rhian ikaw ang mananagot!" baling niya sa kanyang madrasta sabay nag mamadaling kinuha niya ang kanyang jacket at nag mamadaling lumabas ng bahay.

Wala namang nakaimik sa mga tao sa loob dahil kasalanan din naman ng mga at nakalimutan na araw nga pala ngayon ng irigasyon. Pinag babawal ang pagligo sa ilog pag nag papatubig dahil malakas ang pwersa ng tubig at nag kaka bagsakan pa minsan ang mga bato dahil sa pag lambot ng mga lupa.

"Hey Glai anong nangyari? Narinig ko sigawan sa loob." tanong ni Chynna ng magkasalubong sila ni Glaiza sa salas.

"Wala.! Now get  out of my way! Kung ayaw mong madamay ka sa init ng ulo ko. Pasunorin mo si Cardo sa ilog paki bilisan kamo kundi malilintikan silang lahat sa akin!"

Hindi madaanan ng sasakyan ang papunta sa ilog dahil sa makipot na daanan. Kaya dali dali siyang sumakay sa kabayo at mabilis na pinatakbo ito. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito.

God ano ano ba iniisip ng babaeng yun at umalis ng bahay ng walang kasama!

Kasalanan niya to eh ang totoo ay nauna sa siyang magising kay  Rhian. Pero dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam at sakit ng ulo isama mo pa ang halos kalahati ng katawan ni Rhian na naka pulun kanya habang tulog ay pinasya niyang matulog na lang ulit. Nakita niya kung gaano kapayapa ang tulog ni Rhian sa tabi niya kaya hinayaan niyang huwag na muna itong itong gisingin. Kaya nakatulog ulit siya at ng magising ay wala na sa tabi si Rhian.

Ilang minuto lang ay nakita na niya ang rumaragasang tubig sa ilog. Binalot siya ng takot at hinanap si Rhian. Nakita niya itong nakatayo sa malaking nakausli na bato na ngayon at inaabot na rin ng tubig dahil sa mas palakas na ragasa ng tubig.

Extra Judicial Feelings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon