Nagising si Glaiza sa buga ng mumunting hangin sa kanyang pisngi, at medyo nangangawit din ang braso niya.
Nang ibuka ang mata ay nakita niya sa tabi ang dalaga na maayos na naka unan sa kanyang braso, nakapulupot pa ang kamay nito sa bewang niya at naka dantay ang isang hita sa may paanan niya. Bigla siyang nailang ng ma realized ang hitsura nila. When was the last time na may naka tabi siya na ganito ka intimate sa pag tulog?
Tiningnan niya ang katabi, napaka bango ng hininga nito nakakatukso ang babaeng nasa harap niya. Ang amo ng mukha di mo halatang maypagka spoiled brat pag hindi tulog. Nalala niya si Solen. She will never be like Solen she's always prim and proper unlike the girl beside her na may pagka immature pa. Na fefeel din niya na may gusto sa kanya ang babae dahil hindi ito mag aaksaya ng effort sa pag sunod sunod sakanya at mag alaga sa kanya kung wala man lang admiration ito sa kanya. Sanay na siya sa mga ganitong nag papalipad hangin ma babae oh lalaki. She can handle naman at hanggat maari ayaw niyang mag paasa ng tao.
Dahan dahan siyang tumayo na hindi nagigising ang babae.
++++++++++++++++
Nagising naman si Rhian na nakahiga parin sa kama. Tiningnan niya ang orasan at biglang natampal ang noo.
Shucks! Napasarap ata ang tulog niya mag aalas otso na pala.
Palingalinga naman siya dahil wala na sa tabi niya ang may sakit.
Mygad nauna pang bumangon sa kanya ang maysakit.
Kaya naisipan niyang lumabas na lang ng kwarto. Na abutan niya sa kusina ang babae nakatalikod at mukhang may niluluto. Ang sexy nito sa suot na short shorts at loose white shirt. Bagay na bagay talaga dito ang shoulder length na buhok nito na maypagka apple cut.
"Enjoying the view?" Tawag pansin ng babae sakanya.
Nag init naman ang pisngi niya sa sinabi ng babae dahil alam pala nito na kanina pa niya ito tinitingnan
Di na niya namalayan nakaharap na pala ito sa kanya at nag aayos ng mesa.
"So di ka lang pala stalker mahilig karin palang mang invade ng private property ng iba." tukoy nito sa mga pinamili niya kagabi.
"Sorry wala kasi akong makitang pwedeng lutuin sa ref mo kaya napa bili na rin ako sa labas."
"Magkano ba to lahat."
"Di bali na, alam ko wala ka ng trabho kaya tulong ko na lang yan sayo."
"Kala mo sakin pulubi?"
"Bakit hindi bah?" Sabay pinagala niya ang tingin sa loob ng apartment nito.
Wala namang sinabi ito bagkos nag hain lang ito ng kanin.
"Kumain ka muna bago ka umalis. Ay oo nga pala baka hindi ka kumakain ng pang mahirap." pang aasar pa nito.
Kinilig naman siya dun na inalok pa siyang kumain ng babae.
Dapat lang noh, napuyat kaya ako kakaalaga sa kanya kagabi.
Talagang kakain siya kanina pa kumakalam sikmura niya sa naamoy niya na pagkain. Hhhmm marunong din pala to sa gawaing bahay di halata mukhang pag kakanta lang kasi ang alam gawin nito sa buhay.
"Excuse me lang noh, kumakain ako basta walang gayuma oh lason." wika niya dito na bahagyang inirapan pa ang babae.
"Taray, sino ba satin ang may tendency na mang gayuma? Sino ba ang stalker sating dalawa?"