Mag 3 weeks na ata siyang halos araw araw pumapasok sa bar maliban na lang pag friday. Hindi siya napasok dahil pansin niyang every friday ay hindi nag pupunta c Patty sa bar niya. Hindi naman nag tatanung ang mga staff niya kung anong nakain niya at halos araw araw siyang nasa bar. Dahil gets na nila kung bakit at kung sinong dahilan.
Siya ang nag seserve always para kay Patty pero lagi siyang dedma ng babae, ni hindi man lang siya nito tinatapunan ng sulyap nito. Sayang effort pag papaganda bihis na bihis araw araw mapansin lang beauty niya. Pero wala e, kulang na lang mag gown siya habang nag seserve mapansin lang siya.
2nd week niya sa pang e stalk nilagyan niya ng sticky note ang bote na may note na
"smile ka naman diyan miss sungit"
Palinga linga lang ito hinahanap siya. Pero dahil sa wala siyang mukhang maihaharap. Nag tago siya sa ilalim ng counter.
Saka niya inaraw araw ang pag lalagay ng sticky note sa bote ng beer ni Patty. Effective naman dahil napapansin na siya ng babae. Yun nga lang puro masamang tingin ang nakukuha niya. Parang bagang pinag lihi ito sa sama ng loob.
Sukat ba namang lagyan niya ng note na may nakalagay na
"Hey miss sungit wag masyado yumuko baka malaglag yang full moon mong 👀"
So ayon pansin na pansin siya. Kung nakakamatay lang ang tingin baka matagal nang bumubula ang kanyang bibig. Haha
Pangatlong linggo na niya to pero bukya parin siya.
Nalaman din niyang nakarating na si Bianca sa pilipinas kaya naisipang niyang ayain ito lumabas kasama si Sally. Lunch date with her besties. Alam niyang sesermunan na naman siya ng mga kaibigan. But what can she say? E sa gustong niyang magpapansin sa masungit na babaeng yun.
++++++++
Matapos maipark ang sasakyan sa isa sa paborito nilang resto, palinga linga siya kung saan naka pwesto ang dalawa dahil friday ngayun medyo marami ding customer kaya may time siyang makipag kita sa dalawa.
Nakita naman niya sa bandang kanan at nilapitan niya ang dalawa.
"Hey zUup?" Bati ni Rhian sa dalawa sabay beso.
"As usual late nanaman, siya mag aaya tapos kami mag aantay." Naka smirk na sabi ni Bianca.
"Bz yan kaka stalk sa kanyang bagong prospect." wika ni Sally na may panunudyo sa tinig.
"So anong ganap may napala ka naba?" tanong ni Bianca
"Kung ako sayo tigil tigilan mo nayan Rhi lakas mo mang trip noh nag sawa kanaba sa lalaki?" Ika ni Bianca
"Hey pwede ba pakainin niyo muna ako bago niyo ako sermunan?"
"Oh hayan umorder ka. Di parin naman kami kumain hinintay ka talaga namin dahil ikaw ang manlilibre." natatawang sabi ni Sally
"Fine. Para namang may bago, e sa kuripot niyo kayang dalawa."
"Umorder kana dami mong sinasabi."
"Nga pala B musta ang bakasyon grande mo? Nakahanap ka na ba ng papa?
"Maka papa ka naman diyan Rhi." Haha
"Wag mo nga ibahin ang usapan. Ok lang bakasyon ko nakita niyo naman mga post ko sa Instagram diba? So yun na yun."
Nang dumating na ang order nila ay nagsi kanya kanya na silang kain ng tahimik.
"So Rhi wala ba talagang improvement dun kay miss sungit? Tanong ni Bianca
"Mukhang kumukupas na yang charm mo Rhi mukhang hindi umuobra sa mga tiboli." sabat ni Sally
"E tusukin ko kaya yang mata mo diyan." Habang tinuturo niya kay Sally ang tinidor.
"Eto na nga shut up na."
"Ayaw mo ba ng back up?"
"Sabi nga nila pag di mo madaan sa santong dasalan. Idaan mo sa santong inoman." hehe
"Pag may alak may balak. Ayain mo kaya uminom."
"Wait Rhi baka naman kasi straight yan kaya hindi talaga pansin ang beauty mo? Natatawang sabi ni Bianca
"I'm pretty sure berde kulay ng dugo nun. Malakas gaydar ko. Saka hindi lang ako ang may crush sa kanya no. Nakita niyo naman mga staff ko ma babae oh lalaki nag papa cute sakanya."
"Mukhang hindi na crush yan Rhi, tinamaan ka na ba?" wika ni Sally
"Baka ikaw tamaan sakin Sally. Pwede ba! straight ako noh, straight as an arrow."
"Sabi mo e." Pero unfairness naman dun sa Patty na un may hitsura ah. No wonder biglang na baliko tong si Miss Playgirl natin. Haha."
Minsan na din kasing nakita nila Bianca at Sally si Patty dahil sobrang na curious ang dalawa kung bakit siya nag kakandarapa sa babae. Ni kahit sa panaginip ay di daw nila maisip na maging stalker siya. Dahil kadalasan ay mga lalaki ang nang eestalk sa kanya at na aalibadbaran siya.
"Yes hindi lang siya mukhang may hitsura understatement un kung e didiscribe niya ang babae." Para sa kanya pwede itong pang cover ng magazines.
Nag tinginan naman ang dalawa.
"Maganda siya na pogi Rhi kaso mukhang loner naman yun."
"Dun nga ako na aattract sa kanya eh. Pa mysterious baga ang datingan. Kahit na alam kung pareho kaming babae ay hindi ko mapigilan na magka crush sa kanya."
"Yun na nga Rhi hindi siya lalaki saka wala ka namang proof na tiboli talaga yun, maliban sa ala action star na pormahan noh." ani ni Bianca
"Saka marami na ring mga boyish ngayon pero may mga jowang lalaki." Ika nga reserve person daw sila. Sila yung tipo ng babae na nag lalagay ng wall sa pagitan ng mga lalaki which is ginagawa nilang wall ang strong personality nila para di ma utakan ng mga lalaki."
"Pero kung saan ka masaya suportahan ka namin." wika ng dalawa.
"Sabihin mo lang kung gusto mo kidnapin natin para ma solo mo." Haha."
"Puro kayo kalokuhan. Di naman siguro aabot sa ganun. May tiwala pa naman ako sa charm ko. Matagal nang 2 weeks more kung hindi pa siya bibigay sa ganda ko noh" sabay kindat sa dalawa.
Pero nag da doubt na rin siya sa sarili niya. This past few days palagi siyang nakaharap sa salamin ng matagal. Tinitingnan ang sarili kung may mali ba sa kanya. Pero she's 100% sure parin naman na namumukadkad ang beauty niya.
+++++
Natapos ang lunch date nila sa kantyawan at harutan. Di siya tinantanan ng dalawa hanggat di nya inaamin na may crush nga siya sa babae.
So what can she say? Pano pa ba siya makapag deny sa lahat ng ka gagahang pinag gagawa niya?
Mapapansin mo rin ang beauty ko miss Tarsier. At sisiguraduhin kung mapapasama ka sa listahan ng mga lalaking nag kakandarapa sa akin.
================================
"ITUTULOY"