Chapter 13

10.1K 241 14
                                    

Sino si Althea?!!" pasigaw na tanong niya kay Glaiza.

Alam niyang soundproof tong opisina nito kaya kahit mag sigawan sila ay ok lang.

"She's my mom. She's my biological mother Althea Guevara and
I'm Glaiza Guevara De Castro." paliwanag nito.

"Tsong ang yaman mo pala.! Ikaw ang nag iisang apo ni Don Ghasan? Waaahhww so totoo nga may apo siya? Ang alam ko hindi ito pinaalam in public." wika ni Patty

Tumango ito kay Patty. "Apo ako ng namayapang si Don Ghasan, nagka anak sila ni nanay Althea at ni tatay pero hindi sila kasal. Magkasama sila sa iisang bahay na parang pamilya pero hindi sila kasal. Ipinangalan lang ako alinsunod sa mga De Castro dahil yun ang gusto ni nanay. Pero namatay si nanay na hindi sila ikinasal ni tatay. Dalawang taon matapos mamatay si nanay ay pinakasalan ni tatay ang aking madrasta. Kaya ko kayo pinapunta dito para tulungan ako. Ang pagkamatay ni lolo at ang kanyang pagka hulog sa hagdan ay hindi ako naniniwalang aksidente lahat ng yun." mahabang paliwanag nito sa kanila.

"Patay na lolo mo?" naawang tanong niya dito na bahagyang kumalma na ang pag taas ng kanyang boses dito.

"Oo, kaya hindi na ako naka balik ng maynila at nakapagpaliwanag sa inyo ng personal. Masyado maraming trabahong iniwan si lolo at maraming mali na hindi ko ma point out. Dagdag pa ang iniwan niyang kasulatan na alam kung binilog bilog lang siya ng aking madrasta."

"Panong binilog?"

"Na mapupunta sa madrasta ko at ng anak niya ang 90% ng lahat na meron kami na iniwan ni lolo at tatay pag hindi ako naikasal sa loob ng isang taon." paliwanag nito sa kanilang dalawa.

"Pano ka naman ikakasal e diba nga babae type mo?" singit niya dito.

"That's why you're here."

"Ano naman kinalaman ko diyan?" kinakabahan sa gustong iparating nito sa kanya.

Dahan dahan itong lumapit sa kanya habang titig na titig sa kanyang mata." Will you be my part time fiance Rhian Ramos?" seryosong wika nito sa kanya.

Wala siyang ma apuhap na salita para sagutin ang tanong nito. Walang dudang crush niya ang babae oh mahal na nga niya ata dahil umabot pa sa puntong sumunod sunod siya hanggang dito. Pero ang maging fiance nito ay hindi niya napag handaan. Ngunit habang tinititigan niya mata nito na ay parang may kung ano na gusto niyang hawakan ang mukha nito at sabihing "gagawin ko lahat para sayo".

Ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig.

"Nahihibang kana ba? Straight ako noh!" paiwas na sabi niya dito.

"Yun na nga e, straight ka kaya mas palagay akong hindi mo ako magugustuhan at lalong lalo naman ako sayo." paliwanag ni Glaiza.

Bahagyang siyang nasaktan sa sinabi nito na hindi siya nito magugustuhan. Pero mas mabuti na rin siguro yun dahil napaka komplikado kung magkataong magka gustuhan man sila. Baka mapatay pa siya ng kanyang ama pag nalaman.

"Ayaw mo Rhi? Tayo na lang tsong." Sabat ni Patty na lumapit pa kay Glaiza at sumiksik pa sa babae.

Hinila naman ni Rhian si Patty. "Hoy bansot na payatot hindi kayo bagay. Mukha kayong mag ina."

"So payag kana?" Tanong ni Glaza

"Hanggang kailan ba?"

"Hanggat hindi bumabalik si Solen."

"Tsong umaasa ka parin ba dun? Sabat ni Patty.

Naguguluhan siya kung sino ang tinutukoy nitong Solen. Kaya nakinig nalang siya sa usapan ng dalawa at nalaman niyang girlfriend nito ang Solen the runaway girlfriend.

Extra Judicial Feelings (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon