Matapos ang kainan at kunting kwentuhan ay maagang nag aya ng matulog si Nathan dahil sa mag hapon itong nag tampisaw kaya hapong hapo ang bata. Tinabihan muna ito ni Rhian dahil ayaw matulog ng bata na hindi si Rhian ang nag papatulog dito. Si nanay Juliana naman ay abala sa kakahanap ng signal at may tatawagan daw ito. Si Cardo ay piniling matulog na din sa kanyang tent. Siya at si Patty naman ay naisipang mag bukas ng tig iisang beer at nag kwentuhan sa labas.
"Tsong thank you ha." basag ni Patty sa katahimikan habang sumisimsim sa bote na hawak
"For what?"
"Nag enjoy ako ngayon. Parang nasulit yung kabataan ko na hindi ko nagawa noon." masayang sabi ni Patty.
Nakita nga niya pano ito mag laro dinaig pa si Nathan. Coz all her life puro lang trabaho ginawa nito para maitagud ang pamilya nito. Matalino ito nasa 3rd year in accountancy na ito nang pinili nitong huminto at it piniling mag full time sa trabaho.
"Tuwang tuwa si Nanay nung malaman na mag kaka bahay na kami." thank you tsong ah di ko alam kung anong kabutihang ginawa ko para pagpalain ako na naging kaibigan kita."
Tinapik naman niya ito sa balikat at bahagyang napangiti "Ano kaba ayos lang yon. Parang kapatid narin kita. Kung ano meron ako ay sayo na rin. Pamilya na kita, I don't need a bunch of friends para sabihing masaya ako na marami akong ka tropa. Dahil kayo lang ni Rhian ay sapat na."
"Friend lang ba turing mo kay Rhian? E kung mag landian kayo mag hapon tinalo niyo pa ang nag hhoneymoon."
Tumawa naman siya ng mahina sa sinabi nito.
"I don't know Patt pero masaya ako. Masaya kami. Walang label na relationship kung ano lang ang nararamdaman yun lang ang pinapakita. Less expectations baga."
"Pero may isang nag eexpect. Baka makasakit ka hinay hinay lang. Ayukong may isang masaktan sa inyung dalawa dahil parehas ko kayong kaibigan."
Tumango lang siya at inubos ang laman ng bote saka nag bukas uli ng panibago. Inalok niya ito ng isa pang bote pero tumanggi na ito. Maaga daw ito matulog dahil nanakit ang katawan nito sa mag hapong kakalaro gaya ni Nathan.
"Maganda pala probinsya niyo tsong parang ayaw ko na umuwi ng maynila. Haha"
"Dito ka na lang, gusto mo papuntahin din natin pamilya mo dito? Pagawan ko kayo ng bahay malapit sa mansion." umiling lang ito na nahihiya.
"Thank you pero napaka dami mo ng naibigay sa amin at di ko na kayang suklian yun tsong." nakangiting baling nito sa kanya.
"Hoy parang ang seryoso ata ng pinag uusapan niyo diyan pasali naman." ani ni Rhian at naupo sa gilid niya saka inabot ang bote na iniinom nito sabay tungga ng natitirang laman ng bote.
"Hoy grabe ka inubos mo talaga? Di ka na lang nag bukas ng isa." natatawang wika niya sa babae.
"Share na lang tayo lab. Isang bote lang din naman iinomin ko." sabay nangunyapit ito sa braso niya.
"Tsong ma una naku sa inyo bahala na kayo diyan. Wag kayo diyan gumawa ng bata ha mabuhangin." mapang asar na sabi ni Patty sa kanila ni Rhian sabay takbo nito palayo.
"Siraulo talagang payatot na yon." natatawang sabi ni Rhian.
"Halika." aya niya kay Rhian
"Saan?"
"Basta." Tinawag naman niya si Nanay Juliana para bantayan muna si Nathan. Saka niya hinila si Rhian papunta sa naririnig nilang nagkakasayahan sa dulo ng isla. Pag friday kasi ay may live band dito. Hindi naman to ganun kasikat na isla tulad ng boracay pero mas maigi dito hindi siya crowded at may privacy talaga ang bawat naliligo. Wala silang imikan habang nag lalakad habang magka hawak ang kamay. Yung feeling na sapat na nagkakaintindihan sila sa kung anong meron na dumadaloy sa katawan nila habang magkalapat ang mga kamay.