Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at nagawa niyang masalo ang babae. Bigla naman siyang nailang sa position nila dahil ang lapit ng katawan at ng mukha nila. Naamoy niya ang hininga ng babae at nakita naman niyang pinag lakbay nito ang mata sa mata niya pababa sa labi niya. Kaya natukso naman siyang mas ilapit pa ang mukha sa babae at dahilan nito kaya napapikit naman ito at hinihintay na mag lapat ang kanilang labi. Ngunig bigla naman siyang napa distansya dahil mukha ni Solen ang nakita niya. Kaya imbes na halikan ang babae ay tinapik niya ang pisngi nito at hinila patayo.
"Ako na bahala sa mesa mag hugas kana ng kamay at umalis kana." walang emosyong wika niya kay Rhian.
Mukhang wala namang maapuhap na isagot si Rhian at di rin ito makatingin sa kanya ng deritso. Kaya minabuti nalang nitong umalis.
Mabilis na nag hugas ito ng kamay saka nagpa alam sa kanya. "Thank you sa breakfast. Alis naku." paalam pa nito.
Ng makaalis ang babae ay biglang nag mistulang parang kweba sa tahimik ang kababae apartment. Parang kanina lang ang gaan ng pakiramdam niya while the girl is around. Kelan ba siya huling tumawa? Tawa na umaabot sa mata ang saya? Yes she's not her ideal girl but having her around in her house makes her feel like human. Yung masaya lang kahit wala naman silang ginawa kundi magpikunan.
Naiiling nalang siya habang napapangiti. Nahawa na ata siya sa pagka isip bata ng dalaga.
++++++++++++++
Matapos ang encounter nila Rhian sa bahay ay iniwasan na Glaiza na tumambay sa bar ni Rhian. Iniwasan niya ang babae dahil ayaw niyang mag expect ito na mutual ang admiration na nararamdaman nila. Though nagagandahan siya sa babae pero mas marami paring qualities na meron sa babae na ayaw niya oh hindi pasok sa standards niya. And most of all She will never be like Solen.
Napilit naman siya ni Patty na mag guest sa ibang mga shows nito kaya yun ang pinag kaabalahan niya sa mga nakaraang araw. Minsan na te temp siyang sumaglit sa bar ni Rhian di niya alam kung bakit pero namimis niya ang pagka childish nito.
++++++++++++++++++
Rhian's pov
Tnext siya ni Bianca na mag meet sa isang bar dahil hindi daw sumipot ang ka blind date nito. Minsan lang mag aya itong si Bianca dahil in terms of night life siya ang mas game kay Sally at kay Bianca.
"B. Pano ba mainlove? I mean anong signs ng taong inlove?" tanong ni kay Bianca
"Sign? Ikaw." Sagot ni Bianca
"Anong ako?
"Ikaw ang good example ng taong inlove."
"Hoy adik kaba? Bat ako? ni wala nga akong jowa."
"Your falling for that girl named Althea Rhi."
"Nagpapatawa ka ba? Babae yun at straight ako noh. Saka malabo ang badoy kaya nun ni walang ka fashion fashion sa katawan."
Umiling iling naman si Bianca. "Sa love kasi Rhi walang pinipiling tao, oras oh lugar pag tinamaan ka tatamaan ka."
"Ang badoy mo B. So ikaw tinamaan kana ng love?" tanong niya dito.
"Yes once."
"Hala bat di ko alam yun?" Sabagay dami mo din naman naging boyfriends di ko matandaan alin dun ang sineryuso mo."
"Matagal na yun nakalimutan ko na nga. Pero yung feeling ng mainlove yun ang hinahanap hanap ko. Yun bang parang may nag hahabulan na kung anong bagay sa dibdib mo. Yung gusto mo siyang makita araw araw. Yung tipong bulta bultahi ng kuryente ang na fefeel mo kahit sa simpleng hawak niya lang." naka ngiting paliwanag ni Bianca